Malawakan at positibong pagbabago sa agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total reads

Mga Kapanalig, ilang araw bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr ang Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (o RISE) Project. Ipatutupad ang proyekto ng Department of Agriculture (o DA) at ng Department of Justice. Sisimulan ito sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa kung saan magsisilbing magsasaka ang mga bilanggo. May pagkain nang maitatanim at maaani para sa mga persons deprived of liberty, magkakaroon pa sila ng kabuhayan. Magandang proyekto ito, at sana ay magtuluy-tuloy at maipalaganap pa. 

Sa seremonyang iyon, sinabi ni Pangulong BBM na “committed” ang gobyernong magkaroon tayo ng tinatawag na food security. Ang food security ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga mamamayan ng access sa sapat, ligtas, at masustansyang pagkain. Upang makamit ito, ang pagkain ay dapat na available—hindi nagkukulang, hindi kinakapos. Sapat dapat ang suplay ng pagkain sa kabila ng mga kalamidad at mga pagbabago sa ekonomiya. Kaya rin dapat ng mga taong bumili ng pagkain, at malaking impluwensya rito ang kanilang kinikita at ang presyo ng mga bilihin. Ang pagkaing kinakain ng mga tao ay dapat na nagpapabuti sa kanilang kalusugan, hindi lamang para ibsan ang kanilang kagutuman. 

Sa isang survey na isinagawa ng World Food Programme noong isang taon, isa sa sampung pamilyang Pilipino ay food insecure. Ang pinaka-food insecure na mga rehiyon ay siya ring pinakamahihirap: ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (o BARMM), Eastern Visayas, at SOCCSKSARGEN. Sa BARRM, nasa 30% ang food insecurity level; nakababahala ito, mga Kapanalig. Lumabas din sa survey na mas mataas ang food insecurity sa mga pamilyang umaasa sa agrikultura katulad ng pagsasaka at pangingisda. Halos one-fourth o 24% ng mga pamilyang ito ang walang access sa sapat na pagkain. Hindi ba ito isang malaking kabalintunaan? 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, si Pangulong BBM pa rin ang tumatayong kalihim ng DA. Noong isang buwan, sinabi niyang hindi muna siya maghahanap at magtatalaga ng bagong kalihim hangga’t hindi nasosolusyunan ang mga problema sa sektor ng agrikultura. Kasama sa mga problemang ito ang food insecurity sa ating bansa, isang problemang pinalulubha ng mataas pa ring presyo ng pagkain. Sumabay pa rito ang bumababang ani ng mga produktong katulad ng bigas at asukal. Bibitawan lang daw ni PBBM ang pagiging agriculture secretary kapag abot-kaya na ang presyo ng mga pagkain at kumikita na ng sapat ang mga magsasaka. 

Hindi kaya mas makatutulong kung ang kagawarang nagtitiyak na produktibo ang sektor ng agrikultura ay nakatuon lamang ang atensyon sa mga problemang kinahaharap ng ating mga magsasaka at mangingisda? Hindi kaya mas epektibo kung ang namumuno sa ahensyang ito ay may panahong makadaupang-palad hindi lamang ang mga kababayan nating nag-aambag sa ating pagkain kundi pati sa mga kababayan nating walang maihain sa kanilang hapag? Kailangan natin ng lider sa DA na hindi lamang maalam kundi may malasakit sa mga napag-iiwanan sa sektor ng agrikultura.  

Nakasalalay sa masigla at produktibong agrikultura ang pagkakaroon natin ng pagkain, at nakasalalay naman sa sapat at masustansyang pagkain ang buhay ng tao, buhay na tinanggap natin sa Diyos kaya’t dapat pangalagaan. Ang lahat ng ani sa lupang ipinagkaloob ng Panginoon, katulad ng mababasa natin sa Levitico 25:6, “ay para sa lahat.” Sabi pa sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, kailangang pagtuunan ng sapat na atensyon ang sektor ng agrikultura nang walang magugutom at mawawalan ng kabuhayan.  

Mga Kapanalig, sa pagsisimula ng ikalawang taon ni Pangulong BBM, makakita na sana tayo ng malawakan at positibong pagbabago sa sektor ng agrikultura, hindi lamang mga paisa-isang proyekto o mabubulaklak na mga pangako.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,789 total reads

 39,789 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,868 total reads

 146,868 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 232,237 total reads

 232,237 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,974 total reads

 278,974 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,846 total reads

 326,846 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 423,419 total reads

 423,419 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,869 total reads

 146,869 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 232,238 total reads

 232,238 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,975 total reads

 278,975 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,847 total reads

 326,847 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top