Malawakang rehabilitasyon sa mga drug addict, ilulunsad ng PNP

SHARE THE TRUTH

 3,188 total views

Inihayag ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng malawakang anti-drug strategy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rehabilitasyon ng mga hinihinalang drug addict.

Sa press briefing sa Malacañang, hinimok ni PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng droga na boluntaryong lumapit sa pulisya upang magpa-rehabilitate, at tiniyak na handang tumulong ang PNP.

Ayon sa PNP chief, ang rehabilitasyon ay mahalagang hakbang upang matigil ang drug addiction at maiwasan ang pagkakakulong ng mga drug users na handa sa pagbabago.


“Kung gusto ninyong makaiwas sa kaso at makapagbagong-buhay, lumapit kayo sa amin at magpa-rehab. Tutulungan namin kayo,”
ayon kay Torre.

Itinuturing ng PNP ang rehabilitasyon bilang mahalagang hakbang ng solusyon sa problema sa droga, ang magkasamang pagpapatupad ng batas at serbisyong pangkalusugan.

Ang pahayag ni Torre ay nagpapakita ng panibagong mukha ng kampanya kontra droga—isang kampanyang hindi lang nakatuon sa paghuli, kundi pati na rin sa pagbibigay ng pag-asa at pagkakataong magbago.

“Hindi ito iyong dating nangyayari na patay ang tao, ang nagrireklamo ay iyong pamilya – hindi ganoon. Ang hinuli mismo, buhay iyan, puwedeng kumuha ng abogado dahil iyan ay kaniyang karapatan dahil kapag inaresto ka, babasahan ka ng Miranda Rights,” ayon pa kay Torre.

Hamon din ni Torre sa mga pulis na maging mas matapang at epektibo sa paglaban sa ilegal na droga habang hinihikayat din ang publiko na magreklamo laban sa mga pulis kung may pang-aabuso.

Taong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang ipatupad ang giyera kontra droga, kung saan tinatayang may higit sa 20 libo ang napaslang ayon sa tala ng mga human rights group.

Sa parehong panahon nang inilunsad ng simbahan ang church-based drug rehabilitation bilang tugon sa malawakang problema ng bansa kaugnay sa illegal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,467 total views

 24,467 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,472 total views

 35,472 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,277 total views

 43,277 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,872 total views

 59,872 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,635 total views

 75,635 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 1,770 total views

 1,770 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top