Ipawalang bisa ang reclamation projects sa bansa, panawagan ng ATM kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,811 total reads

Muling iginiit ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang mariing pagtutol sa reclamation projects sa Manila Bay at iba’t ibang panig ng bansa, kasabay ng panawagan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na ipawalang-bisa ang mga ito.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang mga resulta ng Cumulative Impact Assessment (CIA) na isinagawa sa utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Paliwanag ni Garganera, ipinakita sa nasabing pag-aaral na ang reclamation ay nagdudulot ng banta sa kalusugan ng publiko, sumisira sa sirkulasyon ng tubig, kabuhayan ng mga mangingisda, at kapaligiran, at maaaring magdulot ng mas matinding pagbaha.

“In the first place, permits for the reclamation projects should not have been granted if only government previously conducted a thorough environmental impact assessment. Given that there is now overwhelming evidence of the projects’ negative impacts as shown by this belated CIA, PBBM and the DENR must immediately cancel all contracts,” giit ni Garganera.

Bukod sa mga baybaying komunidad ng Cavite at Bataan kung saan aktibong isinasagawa ang seabed quarrying para sa Manila Bay reclamation, iniulat din ng mga mangingisda mula Zambales at Mindoro ang river dredging activities na pinaniniwalaang may kaugnayan din sa nasabing proyekto.

Hinamon naman ng ATM ang bagong talagang DENR Secretary Raphael “Popo” Lotilla na huwag nang patagalin ang pagbawi sa mga permit para sa mga reclamation project.

Tinutulan din ni Garganera ang naunang pahayag ni dating DENR Secretary Yulo-Loyzaga kaugnay sa posibleng modification ng mga Environmental Compliance Certificates (ECCs) sa Manila Bay reclamation.

“Secretary Lotilla should definitely not pursue former DENR Secretary Yulo-Loyzaga’s pronouncement to modify the Environmental Compliance Certificates (ECCs) of the Manila Bay reclamation projects. All reclamation projects must stop now,” ayon kay Garganera.

Binigyang-diin din ng ATM ang kahalagahan ng pangangalaga sa 15-kilometrong municipal water laban sa commercial fishing at mga mapaminsalang proyekto tulad ng seabed quarrying, river dredging, at offshore mining.

Hiniling din ng grupo kay Secretary Lotilla na agad na makipagdayalogo sa mga grupo ng environmental at human rights defenders upang talakayin ang mga usaping dapat unahin ng DENR, kasabay ng pagpapatupad ng mga makakalikasang polisiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,201 total reads

 112,201 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,401 total reads

 188,401 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,849 total reads

 221,849 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,148 total reads

 257,148 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,265 total reads

 479,265 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,831 total reads

 158,831 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top