Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maliliit na komunidad, palalawakin ng bagong Arsobispo ng Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

 469 total views

June 24, 2020, 11:53AM

Ito ang malaking hamon sa bagong talagang Arsobispo ng Cagayan de Oro.

Si Malaybalay Bishop Jose Cabantan ay itinalaga ni Pope Francis na kapalit ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma.

Inihayag ni incoming Archbishop Cabantan sa Radio Veritas na marami at malaking hamon ang kanyang kaharapin sa pagbalik nito sa Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan siya nagtapos sa St. John Vianney Theological Seminary at naging parochial vicar ng St. Augustine Metropolitan Cathedral.

“Marami at malaking hamon ang kaharapin ko sa pagbalik ko sa Cagayan Lalo’t marami na ang mga bagong pari na hindi ko kilala. So makihalubilo at makipag-ugnayan ako sa kanila, alamin ko ang kalagayan ng mga ministries,”pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas

Itinuturing din ng Arsobispo na malaking hamon sa kasalukuyan ang COVID-19 pandemic kung saan pinagbabawalan ang malalaking pagtitipon sa mga simbahan.

“Hamon din ang kasalukuyang sitwasyon ngayon ng Simbahan na kung hindi na talaga puwede magkaroon ng malaking pagtitipon sa mga parokya,” paglilinaw ng Arsobispo

Ibinahagi ng Arsobispo na kasalukuyang chairman ng Committee on Basic Ecclessial Communities ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dahil naisara ng COVID-19 ang mga simbahan ay kanyang bibigyang tuon ang mga small community.

Iginiit ni Archbishop Cabantan na kanyang bubuksan ang simbahan sa bawat pamilya.

“Bibigyan tuon natin ngayon ang small communities. Naisara ng pandemic ang mga Simbahan sa parokya ngunit binuksan naman ang Simbahan sa bawat pamilya, so thats a good lesson to start,” pahayag ng Arsobispo sa Radio Veritas

Lubos namang ikinatuwa ni Archbishop Ledesma ang pagkakahirang ni Pope Francis kay Cabantan na kanyang kapalit na arsobispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,043 total views

 25,043 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,131 total views

 41,131 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,796 total views

 78,796 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,747 total views

 89,747 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,776 total views

 31,776 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top