Mayor Isko, Dumalo sa Misa ng Pasasalamat sa Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,770 total reads

Ikinalugod ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagkakaisa ng mga lider ng lunsod ng Maynila upang gunitain ang anibersaryo ng pagkakatatag.

Sa ‘Misa Pasasalamat’ ng lunsod na ginanap sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, sinabi ni Bishop Broderick Pabillo na makahulugan at magandang pagkakataon ang pagsama-sama ng mga kawani at opisyal ng lunsod dahil ito ay tanda ng pagpapaubaya sa Diyos sa lahat ng kinakaharap sa pamamahala lalo na sa kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya.

“Magandang tayo’y nagsama-sama ngayon kinikilala ang pagkakatatag ng ating lunsod, tayo’y magdasal, manalangin sa Diyos na tulungan tayo. Pinaubaya natin sa kamay ng Diyos ang mga ginagawa at humingi ng bendisyon sa Kanya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, sa panahong humaharap ang bansa at ang buong daigdig sa krisis na dulot ng pandemic COVID-19 napakamakabuluhan ang paninikluhod sa Panginoon upang hingin ang Kanyang paggabay na malampasan ng bawat mamamayan ang epektong idinudulot nito. Ang pagdiriwang ng Araw ng Maynila ay kasabay rin ng Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista ang na siyang nauna at naghanda sa daraanan ni Hesus upang ipaalam sa mamamayan ang Kanyang pagdating.

Batay sa kasaysayan ika – 24 ng Hunyo 1571 nang maitatag ang Manila sa pangunguna ni Spanish Explorer Miguel Lopez de Legazpi kung kaya’t bahagi ng selebrasyon ng ika – 449 na anibersaryo ay pinangunahan ni Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ang wreath laying sa libingan ni Legazpi sa San Agustin Church sa Intramuros Manila.

Panawagan pa rin ng alkalde sa mamamayan ng lunsod ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang bawat hamon ng pagpapaunlad sa kapakinabangan ng mahigit sa 13-milyong mamamayan ng lunsod.

“Patuloy pa rin ang paghikayat natin sa mga Manileño na tulong-tulong tayo upang umusbong at lumago ang ating lunsod,” pahayag ng alkalde.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,359 total reads

 53,359 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,868 total reads

 103,868 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,448 total reads

 224,448 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,805 total reads

 274,805 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,830 total reads

 399,830 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top