Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis at patas na mining audit, ipinagtanggol ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 321 total views

Tiniyak ni Environment Secretary Gina Lopez na mahigpit na naipatupad ng Department of Environment and Natural Resources ang patas at malinis na mining audit na nakabatay sa katarungang panlipunan.

Ito ay sa kabila ng mga akusasyong naging bias o may kinikilingan ang isinagawang mining audit ng ahensya.

“We assure the industry and the general public that due process was meticulously observed in the mining audit conducted by the agency and that the results would be always anchored on integrity, social justice, and the common good.” pahayag ni Lopez sa Radio Veritas.

Ikinatwiran ng kalihim na mayroong kinatawan ang iba’t-ibang sector at pamahalaan na nakibahagi sa pagsusuri ng mga minahan.

Bukod dito, nagsagawa din ang DENR ng Cross Audit, kung saan nagmula sa ibang rehiyon ng bansa ang nag-audit sa mining company at binigyan din ng pagkakataon ang kumpanya na sagutin ang inihaing kaso ng paglabag sa mining law.

Muling pinag-aralan ng DENR ang lahat ng resulta sa loob ng limang buwan bago inilabas ang huling desisyon.

Sa kasalukuyan 23 minahan ang nakatakdang ipasara ng DENR at tiniyak ng ahensya na ibabalik nito ang mga nasira sa kapaligiran para na rin sa ikabubuti ng mas nakararami.

“My issue here is not about mining. My issue here is social justice. If there are businesses and foreigners that go and utilize the resources of that area for their benefit and the people of that island suffer, that’s social injustice.” dagdag pa ni Lopez.

Samantala, pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Department of Environment and Natural resources dahil sa kautusang ipasara ang 23 minahan sa Pilipinas.

Ayon kay National National Secretariat for Social Action at Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez, patunay ito na hindi naman lahat ng ginagawa ng administrasyong Duterte ay masama.

Dagdag pa ng Pari sa nagawa ni Secretary Lopez, ay nararapat lamang na kumpirmahin ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga ng kalihim sa kanyang posisyon.

Magugunitang Agosto noong nakaraang taon, sinimulan ng DENR ang mining audit sa 41 metallic mines sa Pilipinas at nito lamang nakaraang linggo ay inilabas ng ahensya ang resulta, kung saan 23 kumpanya ang ipasasara nito dahil sa labis na pagkasira ng kalikasan.

Read: http://www.veritas846.ph/21-minahan-ipapasara-ng-denr/
http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-mga-mapinsalang-minahan-pinuri/

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang operasyon ng pagmimina ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 10,740 total views

 10,740 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 56,463 total views

 56,463 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 58,673 total views

 58,673 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 131,809 total views

 131,809 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 143,825 total views

 143,825 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 329,799 total views

 329,799 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top