Mamamayan, hinamong magsakripisyo para sa kalikasan ngayong holy week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total views

Hinihikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang manamayan na ngayong Semana Santa ay matuto rin tayong magsakripisyo para sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Pabillo, na siya ring Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na nawa’y tularan ng mga mananampalataya ang pagsasakripisyo ng Panginoong Hesukristo upang matubos ang kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan naman ng pagsasakripisyo upang mapangalagaan ang ating inang kalikasan.

Sinabi ng Obispo na maaari itong idaan sa pag-aalay ng panalangin upang magkaroon ang bawat isa lalu’t higit ang mga namumuno na mabuksan ang kanilang mga isipan upang makaisip ng iba’t ibang paraan para mapangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“Ialay po natin ang ating mga sakripisyo para sa ating kalikasan. Ito’y para ‘yung mga tao, lalung-lalo na ang mga leaders natin ay magkaroon ng malalim na kamalayan sa kanilang pangangalaga sa kalikasan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ng Obispo na isa pang maaaring maging paraan ng pagsasakripisyo ngayong Mahal na Araw ay ang panunuod ng mga dokumentaryo hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mas kapupulutan pa ito ng mga aral sa halip na manuod ng mga hindi makabuluhang panuorin, lalo’t nasa kanilang mga tahanan lamang ang mga tao dahil sa ipinapatupad na Enhance Community Quarantine.

“Maghanap po tayo ng mga panunoorin natin about the care for the environment. Marami naman po tayong makikita diyan, para mas ma-inspire din po tayo tungkol po sa ating pangangalaga sa kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Muling ipinatupad ng pamahalaan ang ECQ sa buong NCR plus bubble na binubuo ng mga lungsod sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 52,480 total views

 52,480 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 52,480 total views

 52,480 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 52,480 total views

 52,480 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 50,880 total views

 50,880 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 46,484 total views

 46,484 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top