Mamamayan, hinikayat na makiisa sa prayer for restorative justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines -Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal ng ‘Prayer for Restorative Justice and Second Chances Advocates’ para sa makatarungang lipunan na nagbibigay halaga sa buhay at dignidad maging ng mga nagkasala sa kapwa.
Ayon kay Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon hango ang naturang panalangin sa bagong encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Fratelli tutti kung saan nasasaad na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
Umaapela ang Obispo na usalin ang panalangin tuwing alas-otso ng gabi mula ngayong ika-10 ng Oktubre na World Day Against the Death Penalty hanggang sa Human Rights Day sa ika-10 ng Disyembre.
Iginiit ni Bishop Baylon na hindi mababago ang paninindigan ng Simbahan laban sa patuloy na pagnanais na maibalik ang capital punishment sa bansa.
Ayon sa Obispo, ang bawat indibidwal maging ang mga makasalanan ay dapat na bigyan ng pagkakataong makapagsisi at makapagbagong buhay sa halip na patawan ng kamatayan.
“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) reiterates our strong opposition to capital punishment. The death penalty violates the inherent dignity of a human person, which is not lost despite the commission of a crime. No person, no matter how evil he is perceived to be, is beyond reformation.” pahayag ni Bishop Baylon.
Binigyan diin ng Obispo na walang direktang epekto ang pagkakaroon ng capital punishment sa pagpapababa ng kriminalidad sa lipunan.
Inihayag ni Bishop Baylon na hindi naaangkop ang capital punishment sa Pilipinas lalo na sa kasalukuyang sistema ng katarungan sa bansa na pumapanig sa mga may kapangyarihan at mayayaman.
Pagbabahagi ng Obispo sa halip na punitive o pagpapataw ng mabigat na kaparusahan ay mas dapat na umiiral restorative justice sa bansa na pagbibigay ng pangalang pagkakataon sa mga nagkasala.
“The death penalty is nothing but vengeance and punishment. True justice must be restorative, never merely punitive. It should give the person the chance to change for the better, no matter how slim the chance may be. The death penalty is anti-poor and marginalized. Experience shows that most, if not all persons meted the death penalty are poor and uneducated, who cannot afford quality legal representation to defend them.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.
Paliwanag ng Obispo sa halip na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa ay mas dapat na magsumikap ang mga otoridad na ganap na maipatupad ang kasalukuyang mga batas sa bansa na tunay na solusyon sa kriminalidad sa lipunan.
Bukod dito, umapela rin si Bishop Baylon sa pamahalaan na kasabay ng pagsasaayos ng sistema ng katarungan sa bansa ay dapat din tutukan ang kalagayan ng mga mamamayan lalo na sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic na mas nagpapahirap sa lahat upang maiwasan na mabiktima ng sitwasyon ang mga walang-wala sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 75,129 total reads

 75,129 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 115,688 total reads

 115,688 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 139,126 total reads

 139,126 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 187,394 total reads

 187,394 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 206,561 total reads

 206,561 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top