Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkahirang ng unang Filipinong Swiss guard, ikinatuwa ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total views

Ikinatuwa ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagkabilang ng isang Filipino sa Pontifical Swiss Guard ng Vatican.
Umaasa si Bishop Oscar Jaime Florencio na maipapamalas ni Lt. Vincent Luthi ang pagiging masigasig ng mga Filipino sa paglilingkod sa Santo Papa at sa simbahan.
“Congrats to Lt Vincent Luthi for having been enlisted into the Swiss Guards; May you have the true courage and enthusiasm of a true blooded Filipino at the service of the pope and the church,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Ayon sa pinuno ng military diocese mabigat ang tungkuling gagampanin ni Luthi sapagkat ito’y magsisilbing tagaprotekta sa Santo Papa.
Tiwala si Bishop Florencio namaagagampanan ito ng mga bagong talagang Swiss Guard. Iginiit din ni Bishop Florencio na ito’y magandang pagkakataon din upang lumago ang pananampalataya sa Diyos.
“Even if the task is heavy this is an opportunity for a spiritual bonding and an opportunity for growth culturally because the Rome and Vatican have many things to offer,” dagdag ni Bishop Florencio.
Si Luthi na tubong Cugy, Switzerland ay nag-iisang anak nina Claude Luthi na isang Swiss National at Marma Marigomen na taga Santa Fe Bantayan Island Cebu.
Noong kabataan ni Luthi, aktibo ito sa paglilingkod sa kanilang parokya bilang bahagi ng altar server ministry. Isinagawa ang kanyang military obligations sa Tank Grenadiers at natapos ang Armor and Artillery Officers School kung saan nakuha ang rango ng pagiging lieutenant noong 2019.
Lumahok si Luthi sa pangkat ng Pontifical Swiss Guard noong Enero at pormal na nanumpa kay Pope Francis noong ikaapat ng Oktubre sa Vatican. Ang Pontifical Swiss Guard ay itinatag ni Pope Julius II noong 1506 na layuning protektahan ang Vatican, Apostolic Palace at ang Santo Papa.
Ang mga hihiranging Swiss Guard ay mga lalaking walang asawa na edad 19 hanggang 30 taong gulang at nakapagtapos ng basic military training sa Swiss Army.
Sa kasalukuyan may 135 ang bilang ng mga Swiss Guard na naglilingkod sa Vatican City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 47,512 total views

 47,512 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 115,000 total views

 115,000 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 136,065 total views

 136,065 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 157,893 total views

 157,893 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 191,670 total views

 191,670 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top