Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COVID-19, labanan ng pag-ibig at pagdadamayan-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 493 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle–Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang mananampalataya na isabuhay ang pagmamalasakit at pagtutulungan sa kabila ng hamon na dulot ng pandemya.

Ito ang naging pagninilay ni Cardinal Tagle sa misang ginanap sa Our Lady of the Pillar Cathedral Parish o Imus Cathedral.

Ipinagdarasal ni Cardinal Tagle na ipakita ng bawat isa ang katatagan upang malabanan ang virus sa pamamagitan ng pag-ibig at pagdadamayan sa kapwa.

“Kaya sana mabuhay sa gitna ng pandemic ang mas malalim na pagtutulungan. Ipakita natin na ang virus na ito ay kayang talunin ng mas malakas na pag-ibig at pagdadamayan ng kapwa,” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mananampalataya na ipakita ang pagtulong, pagkalinga at pagdamay sa kapwa nang walang pinipili o tinatangi.

Ipinaalala ng Cardinal na ang lahat ay magkakapatid at magkakaugnay kaya malalagpasan ang pangkalusugang krisis sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagdadamayan.

“Kaya nga ang tawag ay pandemic. Ibig sabihin ay general, apektado lahat. Ipinapakita na magkakaugnay tayo talaga. At sana ang tugon ng pagtulong, ng pagkalinga, ng pagdamay ay maging general. Magkaroon ng attitude na hindi na nagtatangi-tangi, kun’di handang tumulong. kapatid ka at ang ikagagaling mo, kabutihan din ng lahat,” ayon kay Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle ang ika-apat na Obispo ng Diocese ng Imus, bago hirangin bilang Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila na naging Pangulo ng Caritas Internationalis at Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,389 total views

 6,389 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,373 total views

 24,373 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,310 total views

 44,310 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,503 total views

 61,503 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,878 total views

 74,878 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,470 total views

 16,470 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 41,495 total views

 41,495 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top