CEAP, pinatibay ang pakikipagtulungan sa mga LGU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,512 total reads

Tiniyak ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagsusulong ng kahalagahan sa mas matibay na pakikipagtulungan ng mga Local Government Units (LGU) at mga paaralan upang maisulong ang kalidad, inklusibo, at pangmatagalang pagbabago o pag-unlad para sa sektor ng edukasyon.

Sa isinagawang CEAP Special Learning Session na may temang “LGU Threads: LGUs as Champions of Educational Change,” inihayag ni CEAP Executive Director Narcy Ador Dionisio na mahalagang gampanan ng mga LGU ang mas aktibong pakikiisa sa pagpapatibay ng pundasyon ng edukasyon.

““We are here to learn from Baguio City and its vision of people empowerment through education, and how its initiatives create an enabling environment where communities can flourish,” pahayag ni Dionisio

Binigyang-diin din ang mga rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), kabilang ang pamumuhunan sa unang 1,000 araw ng bata, pagpapabuti ng nutrisyon sa paaralan, pagpapalawak ng Early Childhood Care and Development, at pagpapalakas ng batayang pagbabasa at wastong pag-unawa sa mga babasahin.

Ibinahagi naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi lamang tungkulin ng mga paaralan ang paghahatid ng kalidad na edukasyon kundi ng buong komunidad dahil mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga LGU, mga paaralan, pamilya, pribadong sektor, at iba pang katuwang upang makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat mag-aaral.

Kabilang sa mga inilahad niyang inisyatibo ay ang pagsusulong ng Parent Academy, pagpapalakas ng Local School Board, at pakikipag-ugnayan sa mga institusyong gaya ng Saint Louis University para sa mga programa sa literasiya, kalusugang pangkaisipan, at pananaliksik.

“The systems that you build are not dependent on who sits as the leader. We are creating a legacy that does not need to be identified with us but is part of the institution’s DNA so that it will be able to endure leadership transitions,” bahagi pa ng mensahe ni Magalong.

Kasabay nito, hinikayat ng CEAP ang mga paaralan at lokal na pamahalaan na patuloy na bumuo ng matatag na sistemang pang-edukasyon na magtatagal lampas sa pagbabago ng mga lider.

Kaugnay nito, patuloy ding binibigyang-diin ng Simbahan ang kahalagahan ng edukasyong nakabatay sa pakikipagtulungan, pananagutan, at pagsusulong ng dignidad ng bawat bata, alinsunod sa panawagan ni Pope Leo XIV na gawing sentro ng pag-unlad ng lipunan ang tao, lalo na ang kabataan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,760 total reads

 21,760 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,887 total reads

 21,887 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,959 total reads

 38,959 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,365 total reads

 95,365 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,866 total reads

 218,866 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,312 total reads

 302,312 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 52,425 total reads

 52,425 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top