Ika-5 SONA ni PBBM, nakatuon sa pangako kaysa malinaw na pagtataya sa kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,237 total reads

Binigyang-diin ni Atty. Domingo Cayosa, dating National President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na mahalagang magkaroon ng malinaw na sukatan, target, at takdang panahon ang mga pangakong inilalatag ng Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) upang tunay na masukat ng taumbayan ang naging pagganap ng administrasyon.

Sa panayam sa espesyal na programang “Pag-uulat sa Bayan: State of the Nation Address 2026” ng Radyo Veritas, sinabi ni Atty. Cayosa na naging epektibo ang pagbubukas at pagtatapos ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa matapang nitong pagtalakay sa katiwalian at sa panawagan para sa pagkakaisa at pagtatanggol sa bansa.
“Maganda yung kanyang simula… mukhang ang address na ito ay para sa mamamayang Pilipino. Maganda yung simula niya kasi korapsyon yung pinakamainit kaya kaagad tinumbok niya. At yung kanyang ending, sino ba naman ang aayaw sa unity at ipagtanggol ang ating Inang Bayan,” Bahagi ng pahayag ni Cayosa.

Gayunman, sinabi ng abogado na bagama’t naging detalyado ang paglalahad ng Pangulo sa mga programa at plano ng pamahalaan, higit naman itong nakatuon sa mga pangako kaysa sa malinaw na pagtataya sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at sa naging resulta ng mga naunang ipinangako ng administrasyon.

Ayon kay Atty. Cayosa, ang SONA ay hindi lamang dapat maging talaan ng mga proyektong isasagawa kundi isang ulat sa mamamayan kung gaano na kalayo ang narating ng pamahalaan sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa.

Pagbabahagi nito, mas nakatuon ang talumpati sa mga pangako at paglalahad ng mga programa kaysa sa malinaw na pagsusuri sa tunay na kalagayan ng bansa at sa naging resulta ng mga naunang ipinangako ng administrasyon na siyang tunay na diwa at layunin ng SONA na nasasaad sa Saligang Batas.

“Ang purpose kasi ng SONA sa ating Saligang Batas kaya required iyan, kasi dapat una sasabihin mo ang state of the nation, ano na yung nagawa mo. Mukhang hindi siya masyadong pumunta doon sa state of the nation… nag-concentrate siya sa mga pangako at mga kuwento, hindi na niya sinukat ang sarili niya for the past five years o kahit noong nakaraang taon,” Paliwanag ni Atty. Cayosa.

Binigyang-diin pa nito na bagama’t mahalaga ang mga ipinangakong reporma, dapat ay may malinaw na performance indicators ang mga ito upang magkaroon ng batayan ang publiko sa pagsusuri sa susunod na SONA.

“Yung pangako, mas madali ‘yun kasi you can promise everything. Okay din naman, very specific ang kanyang binanggit. Kaya lang, kung kuwento, kulang ng kwenta. Ano yung kwenta? Ano ba yung target mo? Specifically, next year kapag magsasalita ka uli, saan ka ba namin susukatin diyan sa mga pangako mo? You have to have numbers,” Ani Atty. Cayosa.
Dagdag pa ng dating pinuno ng IBP, mahalaga ring tukuyin ng pamahalaan ang time frame ng mga programa dahil ang ilan sa mga ito ay hindi na maaaring maisakatuparan sa nalalabing dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon.

“Plano kasi ito, pangako, plano. Ano yung time frame mo? Yung iba nga na pinapangako niya hindi magagawa in the next two years. Magandang pakinggan pero kailan ba ‘yan mangyayari? Sa tingin ko doon siya nagkulang—maraming detalye ng kuwento pero kulang ng detalye sa kwenta,” Ayon pa kay Atty. Cayosa.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang mabuting pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga pangako kundi sa tapat na pananagutan at konkretong pagtupad sa mga ito, kung saan inaasahan ng taumbayan ang pamumuno nang may katapatan, transparency, at pananagutan upang matiyak na ang bawat ipinapangakong programa ay tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat, lalo na sa mga higit na nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 12,136 total reads

 12,136 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 61,567 total reads

 61,567 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 83,768 total reads

 83,768 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 120,264 total reads

 120,264 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 340,311 total reads

 340,311 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top