PBBM, walang pangmatagalagang strategic plan sa ugat ng suliranin ng bansa-eksperto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,976 total reads

Iginiit ng isang eksperto sa pamamahala at rural development na mahalagang mailatag ng pamahalaan ang isang malinaw na pangmatagalang estratehiya upang matugunan ang ugat ng mga pangunahing suliraning kinakaharap ng bansa, sa halip na maglatag lamang ng mga panandaliang solusyon.

Sa panayam sa espesyal na programang “Pag-uulat sa Bayan: State of the Nation Address 2026” ng Radyo Veritas, sinabi ni Dr. Christopher Mantillas, Associate Professor ng Institute for Governance and Rural Development (IGRD) ng College of Public Affairs and Development (CPAF), ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), na inaasahan niyang maipapakita sa SONA ang pangmatagalang strategic plan ng administrasyon upang maging malinaw ang mga prayoridad at direksyon ng pamahalaan.

“Ang inaasahan sana namin yung parang sabihin nalang natin na ‘ipresent mo nga yung long-term strategic plan mo’ kasi ang thinking naming is that, nandun ang root cause at nandun din yung pagbabatay kung gaano kalaking resources ang ibibigay dun tapos unti-unti maso-solve yung mga problema within those issues, kaya ang tingin ko baka ang naging approach niya is to site ano yung nararamdaman ng mga Pilipino which is political ang dating.” Bahagi ng pahayag ni Mantillas.

Ayon kay Mantillas, bagama’t tumutugon ang Pangulo sa mga isyung nararamdaman ng publiko, mas mahalagang matukoy at masolusyunan ang mga ugat ng mga problemang ito upang maging pangmatagalan ang mga solusyon at reporma.

“Dapat hindi lang sinasabi ang mga issue kundi ano ba ang tutugunan natin na pinagmumulan ng lahat ng mga problemang ito. Kung hindi, babalik at babalik din ang parehong mga suliranin at hindi magiging sustainable ang mga ipinapangako sa bawat SONA,” Ayon kay Mantillas.

Binanggit din ng propesor na bagama’t natalakay ang usapin ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), kapansin-pansin ang kakulangan ng pagtalakay sa pangangalaga sa kalikasan, na aniya’y isa sa mga pangunahing sanhi ng maraming suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang mga problemang may kaugnayan sa pagkain at enerhiya.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nakabatay sa agarang pagtugon sa mga suliranin kundi sa pagsusulong ng mga polisiyang nakaugat sa katotohanan, pananagutan, at pangangalaga sa sangnilikha.

Sa ilalin ng Catholic Social Teaching itinuturo na ang mabuting pamamahala ay dapat nakatuon sa pangmatagalang kabutihang panlahat upang matiyak ang isang makatarungan at sustenableng kinabukasan para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,749 total reads

 3,749 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,740 total reads

 41,740 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,578 total reads

 95,578 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,057 total reads

 159,057 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 226,842 total reads

 226,842 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top