Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na makiisa sa Ligtas-Tigdas vaccination ng DOH

SHARE THE TRUTH

 3,821 total views

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang publiko na makiisa sa “Ligtas-Tigdas” vaccination drive ng Department of Health (DOH) upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas sa bansa.

Ayon kay CBCP-ECHC chairman, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, hindi itinuturo ng Simbahan na umasa lamang sa panalangin kundi gawin din ang nararapat upang mapangalagaan ang kalusugan.

Ipinaliwanag ni Bishop Evangelista na mahalaga ang paglapit sa mga dalubhasa sa kalusugan upang makaiwas sa sakit, sapagkat ang panalangin ay dapat samahan ng pagkilos.

“Nasa Diyos ang awa, na sa tao ang gawa. Kung wala tayong pagkilos, wala tayong pagsisikap para maiwasan ang sakit, dadapuan talaga tayo ng sakit,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Dagdag pa ng obispo, biyaya ng Diyos ang kaalaman at kakayahan ng mga doktor at health workers kaya nararapat lamang na tangkilikin ang mga programang makatutulong sa pag-iwas sa sakit.

Hinikayat ni Bishop Evangelista ang mga magulang at tagapag-alaga na tiyaking mababakunahan ang kanilang mga anak upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at maiwasan ang posibleng komplikasyon nito.

“Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa darating na panahon. Sa pamamagitan ng vaccination na ito, ay magkakaroon ng pangontra ang katawan, ang bawat mga bata at indibidwal para magkaroon ng tigdas,” saad ni Bishop Evangelista.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 5,123 ang kaso ng tigdas at rubella mula Enero 1 hanggang Disyembre 27, 2025, mas mataas ng 32% kumpara sa 3,880 kaso noong 2024, kung saan karamihan ay mga batang limang taong gulang pababa na hindi nabakunahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 21,679 total views

 21,679 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 38,678 total views

 38,678 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 65,660 total views

 65,660 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 221,039 total views

 221,039 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Simba kalusugan, ilulunsad ng CBCP-ECHC

 34,631 total views

 34,631 total views Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Healthcare (CBCP–ECHC) ang Simba Kalusugan, isang programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa

Read More »