“Hindi magtatapos sa krimen ang inyong karanasan. Magtatapos ito sa katarungan.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,436 total reads

Ito ang mariing pahayag ni Fr. Joel Saballa sa isinagawang misa at pagtitipon ng mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs, kasabay ng pagdinig sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa mga kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fr. Saballa, sa gitna ng matinding pagdurusa at pagkawala ng mahal sa buhay, hindi dapat manaig ang kawalan ng pag-asa sapagkat ang Diyos ay Diyos ng katotohanan at hustisya.

“Ang Diyos ay hindi bulag, hindi bingi, hindi tahimik. Siya ay Diyos ng katotohanan, ng habag at hustisya,” ayon kay Fr. Saballa.

Binigyang-diin ng pari na ang pananampalataya ay hindi nangangahulugang pananahimik sa harap ng mali, kundi paninindigan para sa tama na may pusong may habag.

“Ang pananampalataya ay hindi bulag. Hindi ito tahimik sa harap ng mali,” diin ng pari.

Sa kanyang pagninilay, inihayag ni Fr. Saballa na ang sakit ng mga magulang na nawalan ng anak ay walang katumbas na salita upang maipaliwanag, subalit tiniyak niyang hindi nag-iisa ang mga pamilya sa kanilang pagdadalamhati.

“Sa bawat luha at sugat na hindi maipaliwanag, si Kristo’y naroon, tahimik, ngunit buhay na gumagabay sa atin,” dagdag pa ni Fr. Saballa.

Ipinaalala rin ng pari na ang paghahanap ng katarungan ay hindi dapat maging daan ng galit kundi ng liwanag ng biyaya ng Diyos.

“Hindi magtatapos sa krimen ang inyong karanasan. Magtatapos ito sa katarungan,” saad ng pari.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Atty. Gian Miko Arabejo, tagapagsalita ng iDefend, ang proseso ng pagdinig sa ICC partikular ang confirmation of charges hearing kung saan tatalakayin ang saklaw ng mga paratang laban sa dating pangulo.

Ayon kay Arabejo, mahalagang marinig ang panig ng mga biktima sa pagdinig at tiniyak nilang magpapatuloy ang kanilang paninindigan hanggang makamit ang hustisya.

“Hindi po trabaho ng gobyerno ang pumatay ng kanilang citizen,” giit ni Arabejo.

Dagdag pa ng abogado, ang bawat akusado ay may karapatan sa due process, subalit iginiit niyang ang parehong karapatang ito ang ipinagkait sa maraming nasawi sa kampanya kontra droga.

Patuloy namang nananawagan ang mga grupo ng malasakit at panalangin para sa mga pamilya ng biktima, kasabay ng pag-asa na ang paglalakbay ngayong panahon ng Kuwaresma ay maging daan tungo sa panibagong pagbangon at makatarungang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,974 total reads

 73,974 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,054 total reads

 109,054 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,354 total reads

 144,354 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,623 total reads

 370,623 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,982 total reads

 259,982 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top