St. Michael Center for Liberation, itinanghal ni Cardinal Advincula na consecration of mission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,415 total reads

Itinanghal ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang “consecration of a mission” ang pagbabasbas sa St. Michael Center for Spiritual Liberation ng Archdiocese of Manila sa Makati City.

“This is not merely the inauguration of a building. It is the consecration of a mission,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng arsobispo na patuloy na kinikilala ng Simbahan ang realidad ng espiritwal na pakikibaka sa kasalukuyang panahon, subalit nananatiling matatag ang pananampalataya sa tagumpay ni Kristo laban sa kasamaan.

“The decisive victory has already been won by the Blood of the Lamb,” giit ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag pa ng kardinal na ang espiritwal na tunggalian ay hindi kathang-isip lamang kundi umiiral sa puso ng tao, sa kultura at maging sa mga institusyon.

“History is not neutral ground. There is a real spiritual conflict that runs through the world, through the human heart, through cultures, through institutions,” dagdag ng arsobispo.

Samantala, inihayag ni Fr. Jose Francisco Syquia, chief exorcist ng Archdiocese of Manila, na napapanahon ang pagtatatag ng St. Michael Center dahil sa pagdami ng mga kasong kanilang tinutugunan.

“Especially ngayon, dumadami ang mga kaso ng mga diabolical oppression, obsession, and possession. Usually, we have two cases a day… more are spiritual oppression… lesser forms of diabolical attacks,” pahayag ni Fr. Syquia sa Radyo Veritas.

Gayunman, nilinaw ng pari na hindi lamang pagpapalayas ng demonyo ang layunin ng ministeryo kundi ang pagpapanumbalik ng ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng malawakang ebanghelisasyon at katesismo.

“Hindi pang tanggal ng demonyo… but more especially to reanimate the relationship that the person has with God,” giit ng pari.

Binigyang-linaw din ni Cardinal Advincula na hindi lahat ng pagdurusa ay may demonyong sanhi at hindi lahat ng suliranin ay nangangailangan ng exorcism.

“Not all suffering is demonic. Not all struggle requires exorcism,” ayon sa kardinal.

Dagdag pa ng arsobispo na ang tunay na espiritwal na paglaya ay kaakibat ng paninindigan sa katotohanan at paglaban sa kasinungalingan, lalo na sa panahon ng maling impormasyon.

“In an era often described as the age of fake news, liberation must include the purification of speech and communication,” ani ng kardinal.

Layunin ng St. Michael Center na maging sentro ng pagsasanay para sa ministeryo ng exorcism at spiritual liberation, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bahagi ng Asya, at magsilbing kanlungan ng panalangin, paggabay at pagpapalalim ng pananampalataya sa gitna ng umiiral na espiritwal na pakikibaka.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,968 total reads

 73,968 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,048 total reads

 109,048 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,348 total reads

 144,348 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,617 total reads

 370,617 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,976 total reads

 259,976 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top