Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na makiisa sa Ligtas-Tigdas vaccination ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,342 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang publiko na makiisa sa “Ligtas-Tigdas” vaccination drive ng Department of Health (DOH) upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas sa bansa.

Ayon kay CBCP-ECHC chairman, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, hindi itinuturo ng Simbahan na umasa lamang sa panalangin kundi gawin din ang nararapat upang mapangalagaan ang kalusugan.

Ipinaliwanag ni Bishop Evangelista na mahalaga ang paglapit sa mga dalubhasa sa kalusugan upang makaiwas sa sakit, sapagkat ang panalangin ay dapat samahan ng pagkilos.

“Nasa Diyos ang awa, na sa tao ang gawa. Kung wala tayong pagkilos, wala tayong pagsisikap para maiwasan ang sakit, dadapuan talaga tayo ng sakit,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Dagdag pa ng obispo, biyaya ng Diyos ang kaalaman at kakayahan ng mga doktor at health workers kaya nararapat lamang na tangkilikin ang mga programang makatutulong sa pag-iwas sa sakit.

Hinikayat ni Bishop Evangelista ang mga magulang at tagapag-alaga na tiyaking mababakunahan ang kanilang mga anak upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at maiwasan ang posibleng komplikasyon nito.

“Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa darating na panahon. Sa pamamagitan ng vaccination na ito, ay magkakaroon ng pangontra ang katawan, ang bawat mga bata at indibidwal para magkaroon ng tigdas,” saad ni Bishop Evangelista.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 5,123 ang kaso ng tigdas at rubella mula Enero 1 hanggang Disyembre 27, 2025, mas mataas ng 32% kumpara sa 3,880 kaso noong 2024, kung saan karamihan ay mga batang limang taong gulang pababa na hindi nabakunahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,963 total reads

 73,963 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,043 total reads

 109,043 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,343 total reads

 144,343 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,612 total reads

 370,612 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,972 total reads

 259,972 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,977 total reads

 154,977 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top