Tigil-putukan sa pagitan ng Ukraine at Russia, hiling ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,226 total reads

Mariing nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang tigil-putukan at pagpapalakas ng dayalogo sa gitna ng patuloy na digmaan sa Ukraine, kasabay ng paanyaya sa mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang paglalakbay ngayong Kuwaresma.

Sa kanyang mensahe sa Angelus sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na hindi maaaring ipagpaliban ang kapayapaan lalo’t nagdudulot ng malawakang pinsala at pagdurusa ang mga digmaan.

“Peace cannot be postponed. It is an urgent necessity that must find a home in our hearts and be translated into responsible decisions,” ayon kay Pope Leo XIV.

Muling panawagan ng punong pastol sa lider ng mga bansa na magkaisang itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng dayalogo.

“Let the weapons fall silent, let the bombings cease, let an immediate ceasefire be reached, and let dialogue be strengthened to pave the way toward peace,” dagdag pa ng punong pastol ng Simbahan.

Ayon kay Pope Leo XIV, ang bawat digmaan ay hindi lamang suliranin ng isang bansa kundi sugat ng buong sangkatauhan.

“Every war is truly a wound inflicted upon the entire human family; it leaves in its wake death, devastation and a trail of pain that marks generations,” ani ng Santo Papa.

Kasabay nito, sa pagninilay para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, hinikayat ng punong pastol ang mga mananampalataya na tingnan ang panahon ng penitensya bilang pagkakataon ng pagbabago at panibagong simula.

“Through this Word of life, the liturgy invites us to view Lent as a luminous path,” saad ng santo papa.

Ipinaalala rin ni Pope Leo ang kahalagahan ng panalangin, pag-aayuno at pagkakawanggawa sa paghubog ng buhay pananampalataya.

“By means of prayer, fasting and almsgiving, we can renew our cooperation with the Lord in the crafting of our lives as a unique masterpiece,” paliwanag ng Santo Papa.

Nagbabala rin ito laban sa tukso ng makamundong kasiyahan kabilang na ang kayamanan at kapangyarihan sa lipunan na maaring maging sanhi ng pagmamalabis sa kapwa.

Bilang konkretong hakbang ngayong Kuwaresma, hinimok ng santo papa ang mga mananampalataya na maglaan ng panahon sa katahimikan at pakikinig.

“Let us create space for silence by turning off televisions, radios and cell phones for a while,” paanyaya nito.

Nanawagan din si Pope Leo XIV ng panalangin para sa mga naapektuhan ng digmaan at iba pang sigalot sa mundo, nawa’y manaig ang matagal nang hinihintay na kapayapaan.

Sa huli, hinikayat ng Santo Papa ang lahat na maging makabuluhan ang paglalakbay sa Kuwaresma sa pamamagitan ng panalangin, pagsasakripisyo at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,931 total reads

 73,931 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,012 total reads

 109,012 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,312 total reads

 144,312 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,581 total reads

 370,581 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,943 total reads

 259,943 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top