Mamamayan, pinaalalahanan ng Obispo laban sa matinding init ng panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,465 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na pangalagaan ang kalusugan laban sa nararanasang init ng panahon.

Ayon kay CBCP Health Care Ministry Vice Chairman at Military Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang patuloy na pag-iingat tuwing lalabas ng tahanan dahil sa matinding init ng panahon na maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng karamdaman.

Sinabi ng Obispo na napakalaking tulong ng pagdadala ng pananggalang tulad ng payong, gayundin ang palagiang pag-inom ng tubig upang maibsan ang uhaw at mapanatiling maayos ang temperatura ng katawan laban sa dehydration at posibilidad ng heat stroke.

“Let’s drink more fluids lalong lalo na ang tubig because ito po ay kailangan natin na dapat hindi tayo madehydrate. Lalong lalo na ‘yung mayroong mga kapansanan, may sakit at tsaka ‘yung mga elderly natin. ‘Yun po ay dapat na more prudent,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban sa panahon ng tag-init, ikinabahala rin ni Bishop Florencio na ang kapabayaan ng mga tao ang nagiging dahilan ng lalo pang pag-init ng temperatura ng daigdig.

Kaya hinamon ng obispo sa bawat isa na isabuhay ang ecological conversion o pagbabago tungo sa simpleng pamumuhay upang mapangalagaan ang inang kalikasan laban sa tuluyan nitong pagkasira dulot ng climate change.

“We have to do something. Let us not destroy our environment dahil ito po ay para bang bumabalik sa atin kung whatever we do. Dapat mahalin din natin ang kalikasan because kung minsan ang kalikasan na ‘to ay gumaganti sa atin tulad ng global warming,” saad ni Bishop Florencio.

Batay sa climate heat index ng PAGASA, naitala nitong May 16, 2022 ang 47-degrees Celcius na init ng panahon sa Aparri, Cagayan – ang kasalukuyang pinakamainit na temperatura sa bansa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,505 total reads

 8,505 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,258 total reads

 35,258 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,817 total reads

 75,817 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,041 total reads

 102,041 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,308 total reads

 150,308 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,818 total reads

 170,818 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,399 total reads

 129,399 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top