Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, tanging pag-asa ng bansa

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Tanging mamamayan ang naiwang pag-asa ng bayan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Co-Convenor of the Movement Against Tyranny matapos ang kontrobersyal na desisyon ng Supreme Court sa Quo Warranto case laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Paliwanag ng Madre, dahil sa hindi na ganap na mapagkakatiwalaan ang kredibilidad ng ehekutibo, lehislatibo at ng hudikatura sa bansa ay tanging naiiwan na lamang sa paninindigan ng taumbayan ang pag-asa na maisulong ang makatarungan at makatotohanang lipunan.

Dahil dito, iginiit ni Sr. Mananzan na dapat na patuloy na lumaban ang bawat isa para sa kapakanan ng bansa.

“Kung wala na tayong tiwala sa executive, sa legislative at judiciary ano ng naiiwan? Alam niyo kung ano ang naiiwan? Tayo, tayong mga mamamayan ang naiiwan kasi hindi po tayo susuko kaya po huwag tayong mawalan ng pag-asa, sabi po ng Diyos ‘I have overcome the world, so you have overcome the world’ kaya po tayong mga mamamayan, tayo na po ang ating pag-asa sa buhay kaya sabi ko sa inyo tayo po ay lalaban…” pahayag ni Sr. Mananzan, OSB sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang unang binigyang diin ni Sr. Mananzan na tanging katapangan at paninindigan lamang ang makatutugon sa mapang-abusong pamamahala na nanaig sa bansa partikular na sa paniniil ng kasalukuyang administrasyon sa katotohanan at makatarungang sistema ng batas.

Naunang nagpahayag ng pagkundina ang iba’t-ibang mga institusyon ng Simbahan at grupo ng mga abogado sa bansa laban sa naging resulta ng desisyon ng Korte Suprema kung saan sa botong 8-6 ay pinaburan ng Supreme Court ang Quo Warranto case laban kay Chief Justice Sereno na isang negatibong pangyayari sa demokratikong sistema ng pamahalaan, partikular na sa separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,065 total views

 3,065 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,516 total views

 36,516 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,133 total views

 57,133 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,793 total views

 68,793 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,626 total views

 89,626 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 13,000 total views

 13,000 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »
Politics
Reyn Letran - Ibañez

Kalayaan, kaakibat ng responsibilidad

 6,867 total views

 6,867 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsibilidad na kaakibat ng tinatamasang kalayaan at demokrasya ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top