Mananampalataya ay mga misyunero-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total views

Ang pananampalataya at pagiging misyunero ay hindi mapaghihiwalay.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa Pista ng Pananampalataya at Misyon isang online celebration ng Jubilee Year ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas.

Ayon sa Cardinal, ang mga misyunero ay ang nananampalataya na patuloy na sumasaksi at nagbabahagi ng Mabuting Salita ay Panginoon.

Ipinaliwabag ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng pagmimisyon na pagsaksi at pagpapatotoo ay naipapakita at naipaparinig ang mga turo ni Hesus sa mas nakararami.

“Ang nananampalataya nagiging misyunero at ang tunay na misyunero ay ang nananampalataya at sa patuloy na misyon na yan sumasaksi sa iba upang hari nawa, hopefully sa pamamagitan ng misyon na yan makita, marinig ng iba si Hesus, through the missionary hopefully Jesus will be seen by others, Jesus will be heard by others kaya hindi mo yan mahihiwalay, pananampalataya at misyon, misyon at pananampalataya…”pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang pagmimisyon ay hindi lamang isang tungkulin kundi tunay na pagsasabuhay ng pananampalataya upang ganap na maibahagi sa kapwa ang ebanghelyo.

Sinabi ng Cardinal na ang pananampalataya ay isang regalo o biyaya na nangmumula lamang sa Panginoon at matatamo sa pamamagitan ng pagtingin at pakikinig sa mga turo ng nag-isang Panginoon ng lahat at hindi ng kung sino man.

“Ang pananampalataya ay isang uri ng pagkita at pagkarinig, faith is a form of seeing and hearing but it’s a gift of God, it’s a gift ang pananampalataya ay regalo, biyaya ng Panginoong muling nabuhay hindi po tayo ang inventor, hindi po tayo ang manufacturer, hindi po tayo ang producer ng pananampalataya. Kapag tayo ang gumawa ng pananampalataya makakasigurado kayo fake yan, hindi yan tunay na pananampalataya, ang tunay na pananampalataya ay nanggaling sa Panginoon.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Umaasa naman ang Cardinal na patuloy pang mapalalim at maipalaganap ng mga Filipinong Kristiyano ang pananampalataya na natanggap ng bansa 500 taon na ang nakakalipas sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa at pag-unawa sa bibliya ganundin ang taimtim na pagdarasal sa Panginoon.

Ang nasabing online celebration na tinaguriang Pista ng Pananampalataya at Misyon ay bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year of the 500 Years of Christianity in the Philippines at ng paggunita na rin ng Year of Missio Ad Gentes na inihanda ng CBCP – Episcopal Commission on Mission.

Tampok rin sa online celebration ang pagbabahagi ng iba’t ibang aspekto ng pagmimisyon na ihahandog ng mga diyosesis at arkidiyosesis mula sa Cebu, Lingayen-Dagupan, Malolos, Zamboanga, Malaybalay, Kalibo, Cotabato, Borongan, Ozamis, Balanga, Caceres at Apostolic Vicariate of Tabuk.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 31,714 total views

 31,714 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 31,714 total views

 31,714 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 31,714 total views

 31,714 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 30,629 total views

 30,629 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 27,845 total views

 27,845 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top