Pagtatag ng Health Care Ministry sa lahat ng parokya sa Diocese of Kalookan, ipinag-utos ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total reads

Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagbubuo ng health care ministry ng lahat ng mga parokya sa diyosesis na tugon sa COVID-19 pandemic.

Sa online launching ng St. Camilus Center for Humanization in Health, inihayag ng Obispo na kaakibat ng pagbubuo ng health care ministry sa bawat parokya sa Diyosesis ng Kalookan ay pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga barangay upang ganap na matugunan ang pangangailangan lalo na ng mga nagpositibo sa COVID-19.

“I asked them to put up a health care ministry in every parish in the context of the COVID-19 pandemic. I encourage them to enlist and organize volunteers, to use digital technology, to partner with the LGUs and the barangay health emergency response teams to reach out to people who are COVID-19 positive, whether symptomatic or asymptomatic, those quarantined at home and those in the quarantine facilities…” pahayag ni Bishop David.

Ayon sa Obispo, bahagi rin ng health care ministry ng bawat parokya ay ang pagsasanay sa online monitoring ng mga volunteers upang sa pamamagitan ng makabago at ligtas na pamamaraan ay matulungan pa rin ang mga may sakit sa gabay na rin ng mga eksperto.

Bukod sa online monitoring sa mga nararamdamang sintomas ng mga may sakit ay layunin din nito na patuloy na maipadama sa may karamdaman ang pag-aaruga ng kapwa hindi lamang sa usaping pangpisikal at pangsikolohikal kundi maging pang-espiritwal.

Ibinahagi rin ni Bishop David ang pakikipagtulungan ng diyosesis sa lokal na pamahalaan upang higit na maging epektibo ang pagtugon sa pangangailangan ng lahat ngayong panahon ng pandemya.

“All of these we did in partnership we have been doing and still doing in partnership with the LGU COVID Command Centers and the Barangay Health Emergency Response Teams in order to reach them physically in a safe way. We sent some little packages enclose with some medicines and vitamins and with attached stampitas, rosaries of anything that can make them feel that they are cared for not just spiritually but also physically, psychologically and emotionally…” Dagdag pa ni Bishop David.

Samantala, nagpahayag din ng suporta at papuri ang Obispo sa inilunsad na St. Camillus Center for Humanization in Health ng The Order of the Ministers of the Infirm (Camillians)-Philippine Province.

Sinabi ni Bishop David na isang napapanahong hakbang ang ginawa ng Camillians lalo na sa gitna ng panahon ng pandemya kung saan marami ang nangangailangan ng atensyong medikal at makataong pagtugon lalo na sa health care system.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 29,356 total reads

 29,356 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 60,628 total reads

 60,628 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 138,727 total reads

 138,727 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 232,954 total reads

 232,954 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 292,412 total reads

 292,412 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 21,985 total reads

 21,985 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top