Pagpahintulot ng FDA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total reads

Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.

Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara sa Sinovac vaccine na epektibo lamang ng 50-poryento sa mga may edad 65 pataas.

Ayon kay Fr. Ocon, malaking bagay at mas makabubuti ito para sa mga nakatatanda kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdudulot ng labis na pangamba sa mga tao.

“As long as aprubado naman ng mga health experts, kahit sabihin mong hindi siya kasing effective ng ibang brand, para sa akin maigi na rin yung mayroon ka talaga ding depensa kaysa wala,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Department of Health na bago bakunahan ang mga senior citizens ay isasailalim muna ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak na maaari silang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Samantala, hinihimok naman ng pari ang publiko na alisin na rin ang pangamba hinggil sa Sinovac vaccine bagamat ito’y likha mula sa China.

Sa halip, ayon kay Fr. Ocon ay magtiwala lamang sa magiging positibong epekto nito sa katawan ng tao na makatutulong sa pag-iwas at patuloy na paglaganap ng virus.

“Alam naman natin kung saan nanggaling ‘yung takot at pagdududa ng mga tao dahil ‘yung bakuna ay galing sa China. Pero sa panahon ngayon, siguro kailangan na rin nating magtiwala sa mga taong gumawa ng pagsusuri at pananaliksik tungkol sa bakuna,” ayon kay Fr. Ocon.

Ipinayo ng pari na patuloy lamang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield maging ang paggamit ng alcohol upang makaiwas na mahawaan ng virus.

Gayundin ang pananalangin sa Panginoon na nawa’y ipag-adya ang lahat sa panganib at tuluyan nang malunasan ang pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 35,135 total reads

 35,135 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 133,019 total reads

 133,019 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 177,288 total reads

 177,288 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 200,397 total reads

 200,397 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 273,898 total reads

 273,898 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,205 total reads

 145,205 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top