Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya hinimok na isabuhay ang mensahe ng Canticle of the creatures

SHARE THE TRUTH

 9,894 total views

Hinimok ng Diocese of Assisi sa Italy ang bawat isa na paigtingin ang pananampampalataya sa Diyos at pagpapahalaga sa mga nilikha ng Panginoon sa pagdiriwang ng ‘Canticle of the Creatures’ na kantang nilikha ni Saint Francis of Assisi.

Ayon kay Assisi Bishop Domenico Sorrentino, sa tulong ng kanta ay ipinarating ng Santo ang kahalagahan ng pangangalaga sa bawat nilikha ng Panginoon na mayroong kaugnayan sa isat-isa.

Umaasa ang Obispo na sa tulong ng pakikinig sa kanta at pagsasapuso nito ay mapukaw ang kamalayan ng bawat isa na iwaksi ang mga hindi pagkakaintindihan at isulong ang kapayapaan.

“The Canticle is at home here. My wish is that, for the entire ecclesial community and by extension for the universal one, this hymn, also from this Sanctuary, may become the Canticle of peace in the world and everyone may welcome it and sing it every day. This is why I do not want to add any more words – he concluded – but to sing it as I do every day to start my day, because it is a Canticle that not only opens the heart but also the breach of peace,” ayon sa mensahe ni Bishop Sorrentino na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.

Sa ika-800 taong paggunita sa pagkasulat ng kanta ay nagpunta sa Diyosesis ang ibat-ibang religous orders at groups upang maging bahagi ng pagdiriwang sa kantang inialay ni Saint Francis para sa pagpapahalaga ng sangnilikha.

Ilan sa mga nakiisa ay sila Guardian of the Sanctuary of San Damiano Order of the Friars Minor Brother Mauro Botti, Francesco Piloni OFM Provincial Minister ng Umbria and Sardinia, OFM General Minister Friar Massimo Fusarelli at President of the International Franciscan Conference of Brothers and Sisters of the Third Order Regular Sister Frances Marie Duncan.

Ipinagdarasal ni Sr.Duncan na sa patuloy na pagkanta o pakikinig sa Canticle of Creation ay maunawaan ng bawat bansa na nananatiling suliranin sa sanlibutan ang hindi maayos na distribusyon ng mga pangangailangan ng tao.

“Looking at the earth reminds us of the problems of the equitable distribution of the food that the earth produces. Today we still live in situations of inequality that, instead of decreasing, continue to grow, with the many poor becoming ever poorer and the few rich becoming ever richer,” ayon sa mensahe ni Sr.Duncan na ipinadala ng Diyosesis ng Assisi sa Radio Veritas.

Taong 1224 ng isulat ni Saint Francis of Assisi ang Canticle of Creatures na kilala rin bilang Canticle of the Sun o Laudes Creaturarum na paanyaya sa bawat nilalang na paigtingin o sama-samang purihin at sambahin ang Diyos na may galak at pagasa sa puso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 42,406 total views

 42,406 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 55,842 total views

 55,842 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 72,179 total views

 72,179 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 80,667 total views

 80,667 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top