Simbahan, nanawagan sa mamamayan na makiisa sa “Prayer Vigil”sa Senado

SHARE THE TRUTH

 95,197 total views

Inaanyayahan ng mga Pari ng simbahang katolika ang mga Pilipino na makiisa sa isasagawang prayer vigil simula June 09 hanggang 11 para sa impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte.

Ayon kay Father Flavie Villanueva SVD, ang paanyaya ay dahil sa lantarang panghahamak ng opisyal sa konstitusyon ng Pilipinas kung kaya’t kinakailangan ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Kaya hindi po natin ito dapat payagan, Jesus tells us I am the way the truth and the life, there could be no way when people start to corrupt what is the truth and there can be no truth when people start spreading lies and more importantly kung ang buhay po ay binabastos at tinutukhang we have to stand, the evidence is very clear, let it be seen, let the trial of Sara Duterte begin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Villanueva.

Ayon naman kay Fr.Saballa, sa pamamagitan nito ay tunay na maisusulong ang katarungan para sa mga Pilipino.
Sa pamamagitan din nito, ayon sa Pari ay magkakaroon din ng pagkakataon si Duterte sa pagsisimula ng kaniyang impeachment trial na mapatunayan ang kaniyang pagiging inosente mula sa paratang kung talagang wala itong katotohanan.


“Inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa, huwag po nating ibaon ang hustisya magsumikap po tayong magsama-sama, magtulungan, simulan na po ang paglilitis at doon natin makikita ang mga ebidensya, kung meron pong ebidensya- it has to be it iconvict, at pag walang ebidensya ay siya po ay atin pontg i-acquit pero ngayon- ang kailangan natin ngayon ay hindi sa numero, ang kailangan natin simulan ang paglitis, simulan na nating kumilos,”

Ipinarating ito ng mga Pari sa pinangasiwaang punong talakayan ng TINDIG PILIPINAS! kasama ang kanilang miyembro na sina Mamayang Liberal Representative Leila De Lima, Akbayan Partylist President Rafaela david kasama ang mga non-government organizations at grupong naninindigan at nanawagan sa impeachment ni Vice-president Sara Duterte.

Ayon kay TINDIG PILIPINAS Co-convenor Kiko Aquinoo Dee, sa unang araw vigil ay magkakaroon ng ecumenical service para sa lahat ng dadalo na susundan sa ikalawang araw ng magdamagang prayer vigil at Jerick March naman para sa ikatlong araw sa pagbabasa ng impeachment complaints laban kay Duterte.


“Lahat po ito ay gaganapin sa GSIS building po natin sa Senado kasi ang panawagan po talaga natin sa Senado ay magampanan nila yung tungkulin nila sa ating saligang batas na isagawa na yung impeachment trial laban kay VP Sara, ginawa na ng taumbayan, ginawa na ng mga mamamayan yun papel natin maghain ng complaint pero yung senate yung nagpapatumpik-tumpik,”
ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dee.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,783 total views

 24,783 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,788 total views

 35,788 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,593 total views

 43,593 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,155 total views

 60,155 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,896 total views

 75,896 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top