Sisikapin ng Humilitas for the Sacred Heart na maibalik ang puso ng tao sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,220 total reads

Ayon kay Humilitas Metro Manila Convenor Fr. Nicanor Lalog II, sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng mundo at pagkawalay ng tao sa Diyos ay mahalagang muling maibalik ang pananahan ni Hesus sa puso ng bawat isa.

Binigyang diin ng pari na layunin din ng pagkilos na magkaroon ng kamalayan ang mamamayan na ang buwan ng Hunyo ay nakatalaga sa pagdiriwang ng Sacred Heart of Jesus.

“In this heartless and restless world, we go back to the heart of Jesus and we put Christ again at the center of our lives,” pahayag ni Fr. Lalog sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Lalog na pangunahing paanyaya sa pagdiriwang ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus ang pagbabalik loob at pagtalikod sa mga kasalanang nagawa laban sa Diyos at sa kapwa.

“The more we become sensitive of ourselves, we become sensitive of God, we become sensitive of others,” giit ni Fr. Lalog.

Naniniwala si Humilitas for the Sacred Heart Movement Founder Raven Castaneda na bilang binyagang kristiyano ay mahalagang isulong ang debosyon ng Sacred Heart of Jesus sa buong pamayanan.

“This is a movement who promotes the devotion to the Sacred Heart of Jesus…Let us work to bring the Sacred Heart to the streets, in our homes, and in the hearts of everyone. Ito ang pinaka-crucial aspect ng devotion, the devotion is not just something we should keep in private instead we make it publicly available,” ani Castaneda.

Isasagawa ang gawain ng Humilitas – Metro Manila sa June 7 sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine mula ala una hanggang alas singko ng hapon kung saan tampok ang pagkakaroon ng prusisyon sa Ortigas business district, pagdiriwang ng Banal na Misa, mga panayam at katesismo tungkol sa Sacred Heart of Jesus.

Sinimulan ni Castaneda ang Humilitas Movement noong nakalipas na taon sa Davao City kung saan ngayong taon ay isasagawa ito sa June 14 at 14 sa San Pedro Cathedral Auditorium.

Sa unang araw magkakaroon ng mga panayam sa paksang ‘The object and history of the Sacred Heart Devotion, Sacred Heart Devotion in the Holy Scripture and Church Documents, Humility of the Sacred Heart and Prideful Self-Assertion of Sinfulness, at ang, Bring the Sacred Heart back in out streets, in our homes and in our hearts.’

Sa ikalawang araw magkakaroon ng pangungumpisal sa ala una hanggang alas dos ng hapon na susundan ng Holy Hour bago ang isasagawa ang Humilitas March mula Sacred Heart Parish Obrero hanggang San Pedro Cathedral sa alas tres ng hapon habang magtatapos ang mga gawain sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Patuloy na inaanyayahan ang mananampalataya na makilahok sa mga gawain sa Metro Manila at sa Davao City na nakatuon sa Sacred Heart bilang paraan din ng paghahanda sa kapistahan ng Sacred Heart of Jesus sa June 27.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,919 total reads

 113,919 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 190,036 total reads

 190,036 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,484 total reads

 223,484 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,783 total reads

 258,783 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,853 total reads

 480,853 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top