Vice Chairman ng Caritas Philippines, nagpaabot ng pagkilala kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 4,426 total views

Nagpahayag ng pakikiisa si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mga mananampalataya ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan sa pagbati kay Taytay Bishop Broderick Pabillo na kinilala bilang 2025 Bishop Julio X. Labayen Memorial Awardee.

Ayon kay Bishop Alminaza na siya ring Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, karapat-dapat lamang ang naturang pagkilala para kay Bishop Pabillo na ganap na isinabuhay ang misyong ipalaganap ang Ebanghelyo kasabay ng tapat na paglilingkod sa Simbahan, lalo’t higit para sa mga mahihirap tulad ng isang tunay na propeta alinsunod sa halimbawa ni Hesus.

Pagbabahagi pa ni Bishop Alminaza, maituturing din na isang mabuting halimbawa at inspirasyon si Bishop Pabillo lalo na para sa iba pang mga lingkod ng Simbahan tulad ng mga pari, relihiyoso at mga layko, at mga kabataan upang magkaroon ng paninindigan at determinasyon na tahakin ang landas ng katarungan, awa at katapatan.

“Together with the Diocese of San Carlos, we join our voices to the faithful of the Apostolic Vicariate of Taytay in congratulating Bishop Broderick S. Pabillo, DD for being the 2025 Bishop Julio X. Labayen Memorial Awardee!” Bahagi ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, kalakip din ng naturang parangal ang pagkilala sa pambihirang determinasyon at dedikasyon ni Bishop Pabillo na isulong ang Simbahan para sa mga Dukha bilang pagsasakatuparan sa adbokasiya ng yumaong si Bishop Julio X. Labayen.

Kilala si Bishop Pabillo sa kanyang mariing pagsusulong ng katarungan panlipunan gayundin ang pangangalaga sa kalikasan at pagsisilbing boses para sa maliliit na sektor ng lipunan kabilang na ang mga katutubo at mga dukha.

“We extend our heartfelt congratulations on this well-deserved recognition of your unwavering commitment to the Gospel, your prophetic leadership, and your faithful service to the Church and the poor. Your pastoral witness continues to inspire the clergy, religious, and lay faithful — especially the youth — to walk in the path of justice, mercy, and faithfulness.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Bilang suporta ay tiniyak ni Bishop Alminaza ay pananalangin para sa patuloy na kalakasan, determinasyon at paggabay ng Banal na Espiritu kay Bishop Pabillo.

Ang Bishop Julio Xavier Labayen, O.C.D. Memorial Award ay isang parangal na iginagawad upang kilalanin ang mga organisasyon at indibidwal na may pambihirang dedikasyon at adbokasiya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga naisasantabi sa lipunan bilang pagsasakatuparan sa paninindigan ng Simbahan sa pagkakaroon ng katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad sa mahihirap na komunidad.

Ang pagiging “Church of the Poor” ng Simbahan sa Pilipinas ang naging pangunahing adbokasiya na isinulong ng yumaong si Bishop Julio X. Labayen magmula pa noong 1970’s na tuluyang tinanggap ng buong Simbahan kasunod ng Second Plenary Council of the Philippines.

Bukod dito, si Bishop Labayen rin ang naging utak at nagpasimula ng NASSA o National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at nagbuklod sa dating hiwa-hiwalay na ministeryo ng Simbahang Katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,319 total views

 24,319 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,324 total views

 35,324 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,129 total views

 43,129 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,736 total views

 59,736 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,511 total views

 75,511 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 498 total views

 498 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 5,467 total views

 5,467 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top