Nakiisa sa 1st Marian International festival, pinasalamatan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,055 total views

Nagpapasalamat ang pamunuan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa mga nakibahagi sa kauna-unahang Marian International Festival bilang pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng festival na higit na maipakilala at maipaunawa sa mananampalataya ang tunay na kahulugan ng pagdedebosyon sa ina ng Panginoong Hesukristo.

“Ito ay isang gawain natin upang ipalaganap ang ating debosyon sa ating Mahal na Ina at sa ating pagpapalaganap ng debosyon sa kanya ay napapalalim natin ang ating pananampalataya, pananalig sa ating Panginoong Diyos,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Nagsimula ang tatlong-araw na pagtitipon noong January 9 kung saan nagkaloob ng Sakramento ng Kumpisal upang mabigyang pagkakataon ang mga mananampalataya na panibaguhin ang sarili at humingi ng tawad sa Panginoon.

Sa ikalawang araw, January 10, pinagtuunan ng dambana ang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng feeding program, pamamahagi ng school supplies, at serbisyong pangkalusugan para sa mga mananampalataya, lalo na sa mahihirap.

Habang nagtapos naman ang festival noong January 11 sa pamamagitan ng Banal na Misa at Marian Conference, sa pangunguna ni Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect, Cardinal Luis Antonio Tagle, katuwang si Bishop Santos, at mga pari ng Diyosesis ng Antipolo.

Lubos na nagagalak si Bishop Santos sa pagpapaunlak ni Cardinal Tagle na pangunahan ang pagtatapos ng pagtitipon at higit pang maipaliwanag sa mga mananampalataya ang diwa ng Marian Devotion.

Umaasa si Bishop Santos na sa paglulunsad ng taunang Marian International Festival, lalo na ngayong Taon ng Hubileyo na may temang “Pilgrims of Hope,” ay magpapatuloy ito upang sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, na siyang huwaran ng tunay na pag-asa, ay makamit ng bawat isa ang kapayapaan habang naglalakbay patungo sa landas ng Panginoong Hesukristo.

“Ito ay tanda na kung saan sa ating paglalakbay, ang Mahal na Birheng Maria dito sa Antipolo at sa ating mga Pilipino, siya ang ating ina ng kapayapaan at mabuting paglalakbay. Sa ating paglalakbay, tayo’y umaasa at ito talaga ang ating pag-asa na ito ay magiging mabuti’t mapayapa, at mag-uuwi sa atin ng ating malalim na panampalataya at mag-uuwi sa atin sa bahay ng ating Diyos Ama sa Langit,” ayon kay Bishop Santos.

Kiilala ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas at sa Southeast Asia, gayundin ang kauna-unahang Marian international shrine sa buong Asya.

Nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at pananampalataya ang mayamang kasaysayan ng dambana at ang patuloy na debosyon sa Mahal na Birhen para sa milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,769 total views

 40,769 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,851 total views

 73,851 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 102,202 total views

 102,202 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,934 total views

 169,934 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,215 total views

 190,215 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top