Huwag matakot sa PNP checkpoint-COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,675 total reads

Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na huwag katakutan ang maraming check points ng Philippine National Police sa bansa.

Sa programang Veritas Pilipinas sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na bahagi ito ng paghahanda ng komisyon sa nalalapit na midterm national and local elections sa Mayo kung saan nagsimula ang election period noong January 12 at magtatagal hanggang June 11, 2025.

Sinabi ni Laudiangco na kasabay ng pagsisimula ng election period ang pagpatupad ng mga panuntunan at paghihigpit sa seguridad para matiyak ang ligtas at maayos na halalan sa May 12.

“Bukod sa gun ban nakita nyo na rin po ang napakaraming check points huwag po kayong matakot sa mga checkpoints; sadyang itinalaga ito ng COMELEC para sa pagsasaayos sa paghahanda sa halalan, ito rin ay para sa kaligtasan nating lahat at makakaasa po kayo na susunod sila (PNP) sa mga alintuntunin na ginawa ng COMELEC,” pahayag ni Laudiangco sa Radio Veritas.

Tiniyak ng opisyal na susunod sa panuntunan ng komisyon ang mga kawani ng PNP sa pagpapatupad ng check point sa mga lugar sa bansa lalo’t plain view doctrine lamang ang isasagawa sa checkpoint areas o ibaba lamang ng mamamayan ang bintana ng kanilang mga sasakyan upang masilip ang mga sakay nito.

Inihayag din ni Laudiangco na kabilang sa mga panuntunan ng pagsasagawa ng check point na dapat nasa maliwanag na lugar, dapat nakasuot ng wastong uniporme ang mga pulis, nakasuot ng mga identification cards o IDs, may pangalan, at higit sa lahat ang paglalagay ng mga signages kung saan nakasulat ang pangalan at contact number ng local election officer at pangalan ng team leader na maaring tawagan ng mamamayan upang beripikahin kung lehetimong operasyon ang isinasagawa ng PNP.

Sa February 11 magsisimula ang campaign period para sa national positions o sa mga senador at partylist habang sa March 28 naman para sa local positions mula gobernador hanggang Sangguniang Bayan.

Kaugnay nito inilunsad naman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang novena masses na Prayer Power Journey for Elections noong December 24 hanggang May 12, 2025 sa mismong araw ng halalan na layong ipanalangin ang pagkakaroon ng ‘clean, honest, accountable, and peaceful’ o CHAMP elections sa Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 9,414 total reads

 9,414 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 57,286 total reads

 57,286 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 161,234 total reads

 161,234 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 247,345 total reads

 247,345 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 317,073 total reads

 317,073 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top