Mananampalataya, hinimok ni Bishop Evangelista na pahalagahan ang kultura, tradisyon at pamanang pangsimbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 410 total views

Hinimok ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga mananampalataya na higit pang palalimin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pamanang pangsimbahan na ipinagkatiwala sa Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo bilang suporta sa PAMANAMPALATAYA: Formation Program on Religious Cultural Heritage ng Ministry on the Cultural Heritage of the Church ng Diocese of Imus.

Ayon kay Bishop Evangelista, hangad ng Diyosesis ng Imus na hubugin ang sambayanan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang nakaugat hindi lamang sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo kundi maging sa kultura at buhay na tradisyon ng Simbahan.

“As the Diocese of Imus constantly strives to form the People of God, she seeks to deepen the grace of faith that is rooted not only on the values of the Gospel, but also in culture and living tradition,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Aniya, sa pamamagitan ng formation program ay inaanyayahan ang mga mananampalataya na muling tuklasin ang kagandahan ng kultura, tradisyon, at pamanang pangsimbahan bilang mga daan ng pakikipagtagpo kay Kristo.

“May this formation module lead us to a deeper love for the Church and renew in us a steadfast commitment to cherish and safeguard the patrimony entrusted to our care,” ayon kay Bishop Evangelista.

Hiniling din ni Bishop Evangelista ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria, Birhen del Pilar, upang manatiling tapat na mga katiwala ng pananampalataya at pamanang pangsimbahan ang mga mananampalataya para sa kapakinabangan ng mga susunod na salinlahi.

Ang nasabing formation program ay isang serye ng paghuhubog na naglalayong palalimin ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na pook, sining, kasaysayan, at mga tradisyong panrelihiyon.

Nakatakdang magsimula ang programa sa July 11, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Centro Agustino ng Diocesan Shrine of San Agustin and Parish of the Sta. Cruz sa Tanza, Cavite.

Bukas ang programa sa mga pari, relihiyoso, layko, mga lingkod ng Simbahan, at iba pang may malasakit sa pangangalaga ng pananampalataya at pamanang pangkalinangan ng Diyosesis ng Imus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 7,113 total views

 7,113 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 33,764 total views

 33,764 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 128,822 total views

 128,822 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 150,751 total views

 150,751 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 165,475 total views

 165,475 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top