Mananampalataya, inaanyahan sa Radyo Veritas Mary and the Eucharist exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,522 total views

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na dumalo sa Mary and the Eucharist Exhibit na gaganapin sa Fisher Mall, Quezon City mula Setyembre 3 hanggang 11, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria (September 8).

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, mahalagang pagkakataon ang naturang exhibit upang mapagnilayan ang kahalagahan ng Eukaristiya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria at mga banal.

“The Eucharist is an opportunity to deepen our faith, as Mary and the saints guide us by their example and intercession toward Christ, truly present in His Body and Blood. In this sacrament, we participate in the sacrifice that saved us and are united as one Church in His love,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, napapanahon ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na hinahamon ng korapsyon, digmaan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

“Amid the corruption, wars, and divisions that wound society today, we are called to seek refuge in the Eucharist — the summit of our faith and the unfailing source of healing, unity, and peace,” ani Fr. Bellen.

Layunin ng exhibit na isulong ang mas malalim na debosyon sa Banal na Eukaristiya at palakasin ang misyon ng Radyo Veritas bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng new evangelization.

Tampok dito ang mahigit 100 imahe ng Mahal na Birheng Maria sa iba’t ibang titulo, gayundin ang mga banal na kilala sa kanilang debosyon sa Eukaristiya, kabilang sina Padre Pio, Blessed Carlo Acutis, at St. Tarcisius of Rome, at marami pang iba.

Maaaring bisitahin ng publiko ang Mary and the Eucharist Exhibit sa activity center ng Fisher Mall tuwing regular mall hours. Maaari ring magpatala ng mga mass intentions sa nasabing exhibit at maging Eucharistic Advocate ng himpilan. Ang lahat ng intensyon ay isasama sa mga misa ng Radyo Veritas araw-araw tuwing 6AM, 12NN, 6PM, at 12MN.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 15,147 total views

 15,147 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 57,039 total views

 57,039 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 111,082 total views

 111,082 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 138,735 total views

 138,735 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 155,460 total views

 155,460 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top