Mananampalataya, inaanyayahan ni Cardinal Advincula sa “Celebrate Asia in Manila”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total views

Inaanyayahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na makiisa sa gaganaping Celebrate Asia in Manila sa September 26, 2022.

Ayon sa Cardinal, mahalagang magbuklod ang mamamayan upang pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga Pilipino 500 taon ang nakalipas at ipagdiwang ang ika – 50 anibersaryo ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) na bukas sa publiko.

“I would like to invite you, and your lay leaders to join me and Cardinal Chito Tagle in the said event (Celebrate Asia in Manila), admission is free,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Tampok sa Celebrate Asia in Manila ang pagpapalalim at pagninilay ng simbahan sa resulta ng isinagawang synodal consultations sa 86 na mga diyosesis sa bansa.

Magbibigay ng panayam si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, na unang itinalaga ni Pope Francis bilang kinatawan sa pagtitipon ng FABC sa October 12 hanggang 30 sa Bangkok Thailand.

“It also aspires to expand the experience of Synodality by joining the “Church in Asia” in building awareness, interest and sense of participation as it celebrates the 50th Anniversary of the FABC,” ayon sa pahayag.

Ang pagtitipon ay inisyatibo ng Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila, Manila Cathedral at Pontifical Mission Societies – Philippines.

Gaganapin ang Celebrate Asia in Manila sa Manila Cathedral mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12:30 ng tanghali kung saan pangungunahan ni Cardinal Advincula ang closing mass.

Samantala dadalo rin ang Permanent Council ng CBCP sa pagtitipon ng FABC sa pangunguna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Naitatag ang FABC noong 1970 noong nagkatipon ang mga obispo ng Asya sa Manila sa pagdalaw ni Pope Paul VI sa Pilipinas.

Sa mga dadalo ng Celebrate Asia in Manila maaaring magparehistro sa website ng Office for the Promotion of the New Evangelization (www.opne.ph).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 60,927 total views

 60,927 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 83,037 total views

 83,037 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 158,873 total views

 158,873 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 158,448 total views

 158,448 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top