Seafarers, pinasalamatan ng opisyal ng CBCP

Pinasasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga marino sa pagpapamalas ng mabuting ugali bilang Pilipino sa bawat bansang pinaglilingkuran at pagiging misyonero sa karagatan.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines sa pagdiriwang ng 27th National Seafarers’ Sunday sa September 25, 2022.

Batid ng obispo ang pagsisikap ng mga seafarers na ipamalas sa buong mundo ang kakayahan ng mga Pilipino sa industriya.

“Sa ngalan po ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kami po sa Stella Maris-Philippines ay lubos na nagpapasalamat sa inyong malinis at matapat na paglilingkod. Maraming salamat po sapagkat tunay ninyong ipinakikita ang totoong mukha ng mga Pilipino-masisipag, mapagkakatiwalaan at may matibay na pananalig sa Panginoon Diyos,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Ipinapaalala naman ng opisyal sa mga marino ang pananatiling matatag, mapagmalasakit sa kapwa marino at higit sa lahat pananabik na makabalik ng ligtas sa bawat pamilya.

Ayon kay Bishop Santos, tulad ng barko bawat isa ay may hinaharap na mga pagsubok na yayanig sa buhay tulad ng labis na kalulngkutang bunsod ng pagkawalay sa pamilya, pangamba dulot ng pandemya at iba pang hamon sa karagatan na banta sa kaligtasan.

Hinimok ng obispo ang mga marino na sa kabila ng mga takot at pangamba ay dapat mahigpit na kumapit sa Diyos upang magpatuloy sa buhay.

“Dumating man sa atin ang mga pagsubok at bagyo ng buhay, maging matatag at matibay tulad ng barko, hindi natitinag, hindi naliligalig, at patuloy pa rin sa paglalayag,” ani ng obispo.

Apela pa ni Bishop Santos sa mga seafarers ang pakikipagkapwa at pakikipagkapatiran sa mga kasamahan sa trabaho.

“My dearest seafarers, the ship is for you. She is your shelter and sustenance. The ship is your life. The ship is your home. Take good care of the ship. And when you take good care of her, she will make you safe and successful. As the ship carries you, give her your tender loving care,” giit ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos sa mga marino at kanilang mga pamilya ang patuloy na panalangin ng simbahan sa kanilang kaligtasan gayundin ang pagkalinga sa mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.

Isa ang Pilipinas na itinuring na may pinakamaraming marino sa bilang na halos kalahating milyon o 1/3 sa kabuuang populasyon ng mga marino sa mundo.

Ayon naman sa Stella Maris may 14 na chaplains ang nakatalaga sa iba’t ibang daungan sa Pilipinas na namamahala sa mga programa para tulungan ang mga seafarers, fisher folks at kanilang mga pamilya.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox