500 total views
Ilulunsad ng Jesuit Communications Foundation Inc. sa pamamagitan ng Jesuit Music Ministry katuwang ang Military Ordinariate of the Philippines (MOP) ang National Theme Song Writing Competition para sa ikalimang pagbisita sa Pilipinas ng relikya ni St. Thérèse of the Child Jesus.
Inaanyayahan ng National Organizing Committee of the 5th Philippine Visit of the Pilgrim Relics of St. Therese of the Child Jesus amateur at professional songwriters na lumahok sa kompetisyon.
Tema sa kompetisyon ang “Lakbay Tayo, St. Thérèse. Ka-alagad, Kaibigan, Ka-misyon,” alinsunod sa tema ng ikalimang pagdalaw ng relic sa bansa.
Ilan sa mechanics ng patimpalak ang:
- Filipino citizen na may edad 18 taong gulang pataas;
- Hanggang dalawang entry lamang ng original Filipino, English o kombinasyon ang maaaring isumite;
- Dapat ito ay nakabatay sa tema at nagpapahayag ng mensahe ng buhay at halimbawa ni St. Therese at hindi lalampas sa apat na minuto at tatlumpong segundo ang kanta;
- Liturgical, religious o inspirational ang lilikhaing kanta.
Hanggang sampung kanta lamang ang pipiliin batay sa criteria na 30% sa originality at creativity; 30% Lyrics; 30% Melody; at 10% Overall appeal ng kanta.
Ang mga mananalo ay makatatanggap ng P30, 000 sa first prize; P15, 000 sa second prize; at P10, 000 sa third prize habang Certificate of Recognition naman sa iba pang finalists.
Bukas ang pagsumite ng entries mula September 12, 2022 hanggang sa October 28, 2022.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang website ng jescom.ph at ang official Facebook page ng Jesuit Music Ministry.
Sa anunsyo ng Centennial Reliquary, nakatakda sa January 2 hanggang April 30, 2023 ang ikalimang pagbisita ng relikya sa Pilipinas.
JesCom Philippines | Lakbay Tayo St. Thérèse. Ka-alagad, Kaibigan, Ka-misyon