Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipabatid ang mensaheng kapayapaan ni Kristo sa buong daigdig.

SHARE THE TRUTH

 428 total views

Ito ang pangunahing layunin ng Santo Papa Francisco sa pagbisita sa mga bansa, maging sa mga lugar na kakaunti ang mga Katoliko.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, tulad ng pagmimisyon ni Pope Francis, ganito rin tinatawagan ang bawat binyagan na ipahayag sa kapwa ang pakikipagkaibigan para sa katiwasayan ng lipunan.

“At ngayon ‘yan ang gagawin natin, yan ang ating misyon sa buhay. Kaya kahit hindi mga Kristiyano kaibigan natin, kahit hindi katoliko kaibigan natin makipag-usap tayo sa kanila, makinig tayo sa kanila kasi marami rin silang magagandang bagay na maibahagi sa atin. At sa gano’ng paraan, sana kung mapansin nila na nakikinig tayo sa kanila,” ayon kay Fr. Gaston.

Ang pagbisita sa Kazakhstan ni Pope Francis ay ang ika-57 bansa na kaniyang dinalaw simula ng hiranging bilang pinuno ng simbahan. Ito rin ang ika-38 Apostolic Visit ni Pope Francis sa 19-taong bilang Santo Papa.

“At itong unity, cooperation na gustong-gusto din ng ating Santo Papa. At ito ‘yung kaniyang hinihingi din sa bawat isa sa atin kaya siya mismo bilang isang halimbawa, siya mismo ay pumunta doon sa Kazakhstan sa isang conference na na-organize para sa mga world leader ng mga iba’t-ibang relihiyon,” dagdag pa ng pari.

Ayon pa kay Fr. Gaston, pagpapakita rin ng pakikinig sa kapwa na ang bawat tao ay may magandang bagay na maibabahagi at matututunan.

Simula September 13-15, binisita ng Santo Papa ang Kazakhstan upang dumalo sa 7th Congress of Leaders of World and Traditional Religions sa Nur Sultan.

Layunin ng pagtitipon ng mga pinuno ng Simbahan ng iba’t ibang relihiyon na isulong ang interreligious dialogue, kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,907 total views

 72,907 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,682 total views

 80,682 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,862 total views

 88,862 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,460 total views

 104,460 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,403 total views

 108,403 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 6,466 total views

 6,466 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 11,427 total views

 11,427 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 11,427 total views

 11,427 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top