Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Nakatakda ang pagsisimula ng Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage sa ika-8 ng Mayo, 2021 na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

“Nag-aanyaya [po ako] sa inyo sa isang Online Pilgrimage, ito po ay bahagi ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagka-Kristiyano sa Pilipinas.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Ito po ay matutunghayan at masusubaybayan sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

“Sisimulan po ito ngayong Sabado, Mayo-a-otso sa alas-dyes ng umaga, ito din ay masusundan buwan-buwan sa parehong oras. Halina kayo, sumama kayo ating online pilgrimage.” paanyaya ni Bishop Mesiona.

Tampok sa nasabing Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang iba’t-ibang mga pilgrim churches sa bansa sa pakikipagtulungan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

Sa kabuuan may mahigit sa 500 mga Simbahan sa buong bansa ang itinalagang “pilgrim churches” ng iba’t-ibang diyosesis bilang paggunita ng Taon ni San Jose at ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ang Apostolic Penitentiary ay nagkaloob ng indulhensya plenarya para sa mga taong bibisita sa mga Pilgrim Chruches sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 88,951 total views

 88,950 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 88,951 total views

 88,950 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 88,950 total views

 88,950 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 86,271 total views

 86,271 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 78,783 total views

 78,783 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top