Kautusan ng Pangulong Duterte, kinontra ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total reads

Edukasyon at pagbabahagi ng mga naaangkop na impormasyon sa halip na pagpapalaganap ng takot ang mas epektibong paraan upang tumugon ang mamamayan sa mga safety health protocol ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) kasunod ng bagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin at ikulong ang mga hindi nagsusuot o mali ang pagkakasuot ng face masks.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, mahalagang maipatupad ng may paggalang sa kapakanan at karapatan ng bawat mamamayan ang mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaan ng mga panuntunan bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni De Guia na hindi dapat malimitahan o ma-lockdown ang mga karapatang pantao ng bawat mamamayan.

“It is through intensive education and information campaigns, not fear, that would best result in better compliance with healthy and safety protocols during the pandemic. A human rights-based approach in addressing the pandemic requires a healthy and careful balance of protecting rights based on standards. We may be in quarantine due to the pandemic, but rights should not be on lockdown.”pahayag ni de Guia.

Nangangamba si de Guia na dahil wala pa ring malinaw na panuntunan o guidelines sa pagpapatupad ng panibagong kautusan ng Pangulong Duterte ay maaaring malantad sa pang-aabuso ang panghuhuli sa mga quarantine violators sa bansa.

“In the absence of clear guidelines, we are concerned that such directive may be prone to excessive discretion and abuse.” Dagdag pa ni Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Pinangangambahan rin kumisyon na posible rin mauwi sa lalo pang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 cases ang naturang kautusan ng pangulo.

“Given the overcrowded conditions of jails and other detention facilities in the Philippines, detention may not be sound in preventing the further spread of Covid-19 in communities.” Ayon pa kay de Guia.

Matatandaang unang ipinag-utos ng pamunuan ng Department of Justice at Philippine National Police na sa halip na tratuhin bilang mga kriminal ay patawan lamang ng community service ang mga mahuhuling quarantine violators.

Kaugnay nito, mariin ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,810 total reads

 19,810 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,937 total reads

 19,937 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,000 total reads

 36,000 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,406 total reads

 92,406 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 215,907 total reads

 215,907 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,531 total reads

 299,531 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top