PNP Chaplain Service, nagpahayag suporta kay PNP Chief Eleazar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Philippine National Police – Chaplain Service sa bagong talagang hepe ng PNP na si Lt. General Guillermo Eleazar.

Tiniyak rin ni PNP Chaplain Service Director, Police Brig. General Rev. Fr. Jason Ortizo ang suporta ng buong PNP-Chaplain Service sa pamumuno ni General Eleazar.

Bukod sa suporta at pagbati, ibinahagi rin ni Fr. Ortizo ang pananalangin ng buong Chaplain Service upang gabayan ng Panginoon si Eleazar sa kanyang bagong tungkulin na matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng bansa para sa kapakanan ng taumbayan. Ipinapanalangin rin ng PNP-CHS ang tagumpay at kabutihan ng buong ahensya sa ilalim ng pamumuno ng bagong hepe ng PNP.

“Kami po sa PNP lalo na sa Chaplain Service ay natutuwa po sa pagkatalaga ni Sir Eleazar bilang bagong pinuno ng kapulisan po at sana patuloy siyang gabayan ng ating Panginoong Dios para po maging mapaunlad niya ang organisasyon at ang katahimikan sa ating bansa” pahayag ni Fr. Ortizo sa panayam sa Radio Veritas.

Papalitan ni Eleazar si outgoing PNP chief Police General Debold Sinas na magreretiro sa ika-8 ng Mayo, 2021.

Si Eleazar ang magiging ika-26 na hepe ng PNP at pang-6 na hepe sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bago hirangin bilang bagong PNP chief, nagsilbi si Eleazar na ikalawang pinakamataas na opisyal ng PNP bilang Deputy Chief for Administration, kung saan siya ang itinalagang unang commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield na naatasang ipatupad ang pagtugon ng pulisya sa mga quarantine restriction ngayong panahon ng pandemya.

Naunang tiniyak ng PNP–Chaplain Service ang pagsasakatuparan ng mandato nito na gabayan ang mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas upang maging mabuting alagad ng batas nang may pagkilala sa karapatan at dignidad ng bawat isa sa ilalim ng batas ng tao at batas ng Diyos.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,149 total reads

 19,149 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,276 total reads

 19,276 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 34,948 total reads

 34,948 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,354 total reads

 91,354 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 214,855 total reads

 214,855 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,531 total reads

 298,531 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top