CBCP, pangungunahan ang paggunita sa Laudato Si week

SHARE THE TRUTH

 439 total views

Maglulunsad ng programa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa paggunita sa Laudato Si Week 2021 bilang pag-alala sa anibersaryo ng ensiklikal na liham ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Tema nito ang “For We Know That Things Can Change”, kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na natatanging pagkakataon upang ipagdiwang ang naging gampanin ng simbahan sa pagsasabuhay ng turo ng Laudato Si at ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Pagkakataon din ito upang pagnilayan ang iba’t ibang karanasan na idinulot ng coronavirus pandemic sa buhay ng bawat mananampalataya, gayundin ang pag-asa sa hinaharap kalakip ang mas malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Isasagawa ito mula ika-16 hanggang ika-24 ng Mayo na pangungunahan ng CBCP National Laudato Si Program katuwang ang Global Catholic Climate Movement – Pilipinas at iba pang partner organizations.

Magugunitang noong nakaraang taon, ibinahagi ni Pope Francis sa kanyang video message ang panawagan upang agarang matugunan ang ecological crisis na nararanasan ng mundo dahil sa epekto ng climate change at pang-aabuso sa kalikasan.

Sinabi ng Santo Papa, “The cry of the earth and the cry of the poor cannot continue. Let’s take care of creation, a gift of our good Creator God.

Let’ celebrate Laudato Si’ Week together.” Marso 3, 2021 nang ilunsad ng CBCP ang National Laudato Si Program na layong panibaguhin at mas palaganapin ang ating pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,400 total views

 24,400 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,405 total views

 35,405 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,210 total views

 43,210 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,813 total views

 59,813 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,579 total views

 75,579 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top