Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage

SHARE THE TRUTH

 493 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Nakatakda ang pagsisimula ng Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage sa ika-8 ng Mayo, 2021 na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

“Nag-aanyaya [po ako] sa inyo sa isang Online Pilgrimage, ito po ay bahagi ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagka-Kristiyano sa Pilipinas.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Ito po ay matutunghayan at masusubaybayan sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

“Sisimulan po ito ngayong Sabado, Mayo-a-otso sa alas-dyes ng umaga, ito din ay masusundan buwan-buwan sa parehong oras. Halina kayo, sumama kayo ating online pilgrimage.” paanyaya ni Bishop Mesiona.

Tampok sa nasabing Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang iba’t-ibang mga pilgrim churches sa bansa sa pakikipagtulungan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

Sa kabuuan may mahigit sa 500 mga Simbahan sa buong bansa ang itinalagang “pilgrim churches” ng iba’t-ibang diyosesis bilang paggunita ng Taon ni San Jose at ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ang Apostolic Penitentiary ay nagkaloob ng indulhensya plenarya para sa mga taong bibisita sa mga Pilgrim Chruches sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 24,581 total views

 24,581 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 40,669 total views

 40,669 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,340 total views

 78,340 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,291 total views

 89,291 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,475 total views

 31,475 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 15,974 total views

 15,974 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top