Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inanyayahang samahan sa paglalakbay ang relic ni San Antonio de Padua

SHARE THE TRUTH

 225 total views

Inanyayahan ng Conventual Franciscans in the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng milagrosong relics ni San Antonio de Padua.

Ayon kay Messenger of St. Anthony Magazine Editor in Chief Rev. Fr. Mario Conte, isang pari mula sa Basilica of St. Anthony sa Padua, Italy na mahalagang masaksihan muli ng mga Pilipino ang relics ng banal na santo.

Pagkakataon ring maituturing ni Fr. Conte na mahawakan at malapitan ng personal ng mga deboto ang relikya ni San Antonio at maidulog ang kanilang mga mga kahilingan.

“These relics can actually be a link of love between you and St. Anthony something solid, concrete, you can see, you can touch this is very important. We are human and connection is very important in fact when you go along the streets you meet a friend what you do you hurry your hand because you wanted to have a connection. You want to touch your child come to you give him a hug because you want to have physical connection. So these are a relic the possibility of a physical connection with the saint.”pahayag ni Fr. Conte sa panayam ng Veritas Patrol

Umaasa naman si Fr. Conte na makiisa ang bawat Pilipino sa paglalakbay ng relikya ng naturang santo na mamalagi sa bansa ng mahigit 12 araw mula April 20 hanggang May 2 taong kasalukuyan.

“I really hope that the Filipinos wherever they may be they come, there is a program. They can find the program they can come there and have this physical meeting with St. Anthony. St. Anthony is a dear friend of many people especially close to those who are sick, to those who have problems and he is always kin in helping anybody. So I hope that they come you have the chance to come and have your personal meeting with our beloved saint,” paanyaya pa ng pari sa mga mananampalataya.

Magugunita na taong 1994 o halos dalawampung taon na ang nakalilipas ng huling bumisita ang relikya ni San Antonio ng Padua sa bansa at namalagi sa Camp Aguinaldo.

Malugod naman ang pagtanggap ng mga deboto sa Shrine of the Child Jesus, Newport Boulevard, Pasay City na pinangunahan ng isang banal na misa ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Leopoldo Tumulak.

Inanaasahang bibisita ang naturang relikya sa 14 na mga parokya, kapilya at ospital sa bansa.

Gaganapin naman ang isang concluding mass ng alas–singko ng hapon sa ika – 2 ng Mayo, 2016 sa St. Ezekiel Moreno Oratory, C-5 extention, Las Pinas City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,304 total views

 8,304 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,787 total views

 19,787 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,476 total views

 35,476 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,258 total views

 36,258 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,004 total views

 46,004 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 25,031 total views

 25,031 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 107,555 total views

 107,555 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top