151 total views
Inanyayahan ng Conventual Franciscans in the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng milagrosong relics ni San Antonio de Padua.
Ayon kay Messenger of St. Anthony Magazine Editor in Chief Rev. Fr. Mario Conte, isang pari mula sa Basilica of St. Anthony sa Padua, Italy na mahalagang masaksihan muli ng mga Pilipino ang relics ng banal na santo.
Pagkakataon ring maituturing ni Fr. Conte na mahawakan at malapitan ng personal ng mga deboto ang relikya ni San Antonio at maidulog ang kanilang mga mga kahilingan.
“These relics can actually be a link of love between you and St. Anthony something solid, concrete, you can see, you can touch this is very important. We are human and connection is very important in fact when you go along the streets you meet a friend what you do you hurry your hand because you wanted to have a connection. You want to touch your child come to you give him a hug because you want to have physical connection. So these are a relic the possibility of a physical connection with the saint.”pahayag ni Fr. Conte sa panayam ng Veritas Patrol
Umaasa naman si Fr. Conte na makiisa ang bawat Pilipino sa paglalakbay ng relikya ng naturang santo na mamalagi sa bansa ng mahigit 12 araw mula April 20 hanggang May 2 taong kasalukuyan.
“I really hope that the Filipinos wherever they may be they come, there is a program. They can find the program they can come there and have this physical meeting with St. Anthony. St. Anthony is a dear friend of many people especially close to those who are sick, to those who have problems and he is always kin in helping anybody. So I hope that they come you have the chance to come and have your personal meeting with our beloved saint,” paanyaya pa ng pari sa mga mananampalataya.
Magugunita na taong 1994 o halos dalawampung taon na ang nakalilipas ng huling bumisita ang relikya ni San Antonio ng Padua sa bansa at namalagi sa Camp Aguinaldo.
Malugod naman ang pagtanggap ng mga deboto sa Shrine of the Child Jesus, Newport Boulevard, Pasay City na pinangunahan ng isang banal na misa ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Leopoldo Tumulak.
Inanaasahang bibisita ang naturang relikya sa 14 na mga parokya, kapilya at ospital sa bansa.
Gaganapin naman ang isang concluding mass ng alas–singko ng hapon sa ika – 2 ng Mayo, 2016 sa St. Ezekiel Moreno Oratory, C-5 extention, Las Pinas City.