Manggagawang Pinoy, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 820 total reads

Pinuri ng opisyal ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga manggagawa na isinasabuhay ang mga halimbawa ni San Jose.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP migrant’s ministry sa kapistahan ni San Jose Manggagawa sa Mayo 1 kasabay ng pagdiriwang sa International Labor Day.

Ayon sa Obispo, ipinamamalas ng mga Pilipino ang angking kasipagan sa iba’t ibang larangan sa buong mundo sa pangunguna ng mga Overseas Filipino Workers.

“Our workers truly follow and live the examples of saint Joseph. Hindi tatamad-tamad, hindi tatambay-tambay, at walang takot na magtrabaho kahit saan,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Itinuring ng opisyal ang mga manggagawa bilang mga bayani ng bayan na itinataguyod hindi lamang ang pamilya kundi ang ekonomiya ng buong bansa.

Binigyang diin ng obispo na ang mga gusali, tulay at maging ang bahay ng mga mamamayan ay patunay sa talino, sipag at tiyaga ng mga manggagawang Pilipino.

Sinabi ni Bishop Santos na tinitingala ng buong mundo ang natatanging kasanayan at talento ng mga Pilipinong manggagawa dahil sa dedikasyon at tunay na paglilingkod na ipinamamalas.

“Our workers are our economic frontliners, our essential service providers. They are our heroes; We have to be grateful to them and pray always for their safety,” ani Bishop Santos.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Exercens binigyang diin nito ang pagpapahalaga sa dignidad ng manggagawa kabilang na ang pagbbigay wastong pasahod at benepisyo.
Unang ipinagdiwang ang Labor Day sa Pilipinas noong May 1, 1903 nang maglunsad ng kilos protesta daang libong manggagawa para sa ipanawagan ang pantay na karapatan at benepisyo.

April 8, 1908 nang ipinasa ng Philippine Assembly ang panukala na kumikilala sa unang araw ng Mayo na national holiday habang May 1, 1913 ang unang opisyal na pagdiriwang ng Labor Day nang bumuo ng magkatipon ang 36 na unyon para sa labor congress.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 8,316 total reads

 8,316 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 41,244 total reads

 41,244 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 135,471 total reads

 135,471 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 195,965 total reads

 195,965 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 209,873 total reads

 209,873 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 290,220 total reads

 290,220 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top