337 total views
Hinimok ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (A-M-R-S-P) ang mananampalataya na magkaisang manindigan at tutulan ang karahasan sa lipunan.
Ito ang tugon ng religious group sa sunod-sunod na karahasang nagaganap sa bansa sa kabila ng patuloy na pagharap sa epekto ng pandemya.
“We ask all Catholics, Christians of other denominations, people of other faiths and all peoples of goodwill – let us stem the tide of violence and hatred in our homes, in our workplaces, in our streets, in the halls of governance, in our society,” pahayag ng A-M-R-S-P.
Ilan dito ang pagpaslang sa mga uring manggagawa ng Calabarzon noong Marso 7 kung saan siyam na indibidwal ang nasawi sa operasyon ng PNP at mga sundalo habang anim ang inaresto na kapwa pinaratangang kasapi ng rebeldeng grupo.
Bukod pa rito ang pagkakapaslang kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at mga kasama sa hinihinalang ‘shootout’ kung saan ayon sa pamilya ng alkalde malinaw na ‘ambush’ ang ginawa ng PNP batay na rin sa salaysay ng mga saksi.
Naniniwala ang A-M-R-S-P na ang mga karahasan sa pamayanan ay magdudulot ng pagkakawatak-watak ng mamamayan.
“This is not the Lord’s way. It is not the path to peace, justice and progress. What we witness today is the reign of violence, intolerance, hatred and division. We are sure this is the handiwork of the devil himself. We cannot shirk our duty to combat evil in our midst,” dagdag pa ng grupo.
Dismayado rin ang religious group sa pagkansela ng pamahalaan sa permanent visa ni lay missionary Otto de Vries mula sa Diyosesis ng Rotterdam sa The Netherlands na mahigit tatlong dekada ng naglingkod sa Prelatura ng Infanta dahil sa alegasyong pakikisangkot sa political rally.
Habang patuloy pa ring nakaranas ng panggigipit ang Rural Missionaries of the Philippines matapos tanggalin ang rehistro sa Securities and Exchange Commission at nanatiling naka-freeze ang bank accounts nito alinsunod sa kautusan ng Anti-Money Laundering Council dahil sa alegasyong pagkakasangkot sa teroristang grupo.
Nanindigan ang grupo na bilang kristiyano ay mananatiling manindigan ito para sa katarungan at pagkakapantay-pantay sa lipunan.
“As religious and as followers of Christ we cannot remain silent as death and destruction stalk our land. As prophetic witnesses we continue to denounce this blatant disregard for the dignity and value of human life. Each and every Filipino deserves to live regardless of his/her standing in society. Each and every Filipino deserves to share ideas and opinions without fear of death or intimidation,” giit ng A-M-R-S-P.