Mamamayan, inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy sa isang songwriting contest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang mamamayan sa gagawing songwriting contest.

Sa pahayag ng institusyon layon nitong mas maipalaganap at maipakilala sa publiko ang mga gawain ng Pondo ng Pinoy.

“Layunin nitong maibahagi sa publiko ang adhikain at ispiritwalidad ng Pondo ng Pinoy sa pamamagitan ng musika,” pahayag ng Pondo ng Pinoy.
Tema ng patimpalak ang “Pondo ng Pinoy: Simbolo ng Pagmamalasakit, Pag-asa, at Damayan”.

Ayon sa Pondo ng Pinoy inaasahang ang mensahe ng kanta ay nagbibigay pag-asa, nagpapalakas ng loob, naghahayag ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa gitna ng naranasang suliraning dulot ng pandaigdigang krisis pangkalusugan.

Maaring lumahok sa kompetisyon ang mga baguhan at propesyonal na mga mang-aawit, indibidwal o grupo basta’t ang mga awitin ay orihinal na likha.

Dagdag pa rito maari ring gumamit ng iba’t ibang genre ng awitin Pop, Jazz, Ballad, Classical, Soul, Blues, R&B, Gospel, Rock, Hip Hop at Rap.
Pagbabatayan naman sa kompetisyon ang 50% – lyrics or impact of the message; 30% composition or musicality; at 20% naman sa over-all impact.



Ito ang kauna-unahang patimpalak sa awit ng Pondo ng Pinoy kung saan ang mananalo ay makatatanggap ng Php 15, 000, certificate of recognition at souvenir items, special awards tulad ng People’s Choice Award sa pamamagitan ng Facebook at Youtube na maaring magwagi ng Ph 5, 000 bawat isa.

Ang proyekto ay kasabay ng pagdiriwang ng institusyon ng ika – 16 na anibersaryo gayundin sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

Para sa mga katanungan maaring mag-email sa [email protected] o magpadala ng mensahe sa Pondo ng Pinoy Facebook page.
Ang deadline ng lahat ng entries ay sa Abril 25, 2021 bago mag alas dose ng hatinggabi.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 20,597 total reads

 20,597 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 4,244 total reads

 4,244 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 42,696 total reads

 42,696 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 144,518 total reads

 144,518 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 185,076 total reads

 185,076 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 205,352 total reads

 205,352 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top