Marahas na aksyon ng Chinese Coast Guard sa mga sundalong Pilipino sa WPS, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,812 total reads

Kinondena ng Philippine Navy ang panibagong insidente ng marahas at agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea matapos masugatan ang dalawang sundalong Pilipino sa insidente malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Rear Admiral Roy Trinidad, Spokesperson for West Philippine Sea Affairs ng Philippine Navy, na namataan muna ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre ang isang barko ng China Coast Guard na nakaangkla sa southern portion ng Ayungin Shoal.

Ayon sa opisyal, nagbaba ang Chinese Coast Guard ship ng dalawang rigid inflatable boats (RIBs) na lumapit sa BRP Sierra Madre sa layong 20 hanggang 30 metro at kumuha ng mga video at larawan ng barko ng Pilipinas na hindi pinahihintulutan.

“Namataan muna ng ating mga kasundaluhan sa BRP Sierra Madre ang isang China Coast Guard Ship na naka-angkla sa loob ng Ayungin Shoal sa bandang southern portion, nagbaba ito ng dalawang ribs inflatable boats na lumapit sa ating barko, ang distance was something like 20 to 30 meters, and then kumukuha ng videos and pictures, ito ay bawal kasi syempre war ship natin yan.” Bahagi ng pahayag ni Trinidad sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Trinidad na hinarangan ng dalawang rubber boat ng Philippine Navy ang paglapit ng mga Chinese RIBs bilang depensibong hakbang na naaayon sa rules of engagement na isinagawa sa propesyonal na paraan.

Gayunman, umabot umano sa punto na pinagpapalo ang mga sundalong Pilipino habang hinaharangan nila ang mga Chinese boat, dahilan upang masugatan ang dalawang sundalo ang isa sa ulo at isa sa braso.

“Paglapit nila, ito ay hinarangan ng dalawang rubber boat natin yung actions ng dalawang rubber boat were purely defensive, they were within the rules of engagement, in a professional manner and then sa kakaharang nila at napapalapit na umabot sa punto na pinagpapalo yung ating mga sundalo, dalawa ang nasugatan doon isa sa ulo at isa sa braso.” Dagdag pa ni Trinidad.

Ayon sa opisyal, sanay na ang mga sundalong Pilipino sa mga ganitong insidente at maingat silang kumikilos upang hindi lumala ang sitwasyon.

“Yung ating mga kasundaluhan, they have been trained, they have been educated kung ano ang style ng China Coast Guard.” Ani Trinidad.

Matapos ang insidente, bumalik umano ang dalawang Chinese RIB sa kanilang mothership, habang agad namang nagbigay ng first aid ang Philippine Navy sa dalawang nasugatang sundalo.
Tinutulan din ni Trinidad ang mga maling naratibo ng China tungkol sa insidente at binigyang diin ang tuwinang pagsusulong ng China sa propaganda na puno ng maling impormasyon, fake news, at kawan ng patas na impormasyon.

“Diyan magaling ang propaganda machinery ng Chinese Communist Party. They thrive for that, nabubuhay sila diyan fake news, malign influence, false narratives is all part of the propaganda ng Chinese Communist Party,” Ayon kay Trinidad.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang katotohanan ay mananatiling katotohanan kahit pa ito ay baluktutin.

Iginiit din ng Philippine Navy na hindi kailanman naging agresibo o padalosdalos ang mga aksyon ng mga sundalo sa West Philippine Sea na tanging isinusulong ang pagbibigay seguridad sa soberensya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

“We have never been aggressive; we have never been provocative. All our actions are defensive in nature, all our actions are merely to secure and protect ano ang sa atin. Wala tayong inaangkin na hindi sa atin,” pagtatapos ni Trinidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 208,156 total reads

 208,156 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 242,829 total reads

 242,829 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 258,729 total reads

 258,729 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 295,218 total reads

 295,218 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 301,438 total reads

 301,438 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,197 total reads

 46,197 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top