Maralitang sektor, kumita na ng 4M piso sa “Buy and Give Trade Fair” ng Caritas Manila.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Binigyang diin ng opisyal ng Caritas Manila na dapat tulungan ang mahihirap na mapanatili ang pangkabuhayan upang tuluyang makaahon sa kahukhaan.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, hindi sapat ang pagbabahagi lamang sa mga dukha sa lipunan kundi mahalagang maturuang mapanatili ang kanilang pinagkakakitaan.

“Tumulong tayo in a sustainable way at walang kondisyon para sa kapakanan ng mga mahihirap sa pamayanan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito ang naging layunin ng Caritas Margins, ang social enterprise program ng social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila kung saan tinututukan ang pagbibigay kabuhayan sa mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan.

Bilang katuparan sa adbokasiya ng Simbahang Katolika, tinututukan ng Caritas Manila ang mga programang mapakikinabangan ng mga dukha sa pamayanan kabilang na dito ang edukasyon, mga libreng pagsasanay at pangkabuhayan.

“Siguruhin natin na ang itinutulong ay talagang ang pangangailangan nila (poor sectors),” ani ni Fr. Pascual.

Iginiit ni Fr. Pascual na hindi dahil sa katamaran kaya’t lalong naghihirap ang mga Filipino kundi ang kawalang oportunidad sa bansa na magkaroon ng maayos na kabuhayan.

Aniya ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga dukha ang pinakamabisang paraan na maiahon ito sa kahirapang nararanasan.

Kaugnay dito, kasalukuyang nagsasagawa ng ‘buy and give trade fair’ ang Caritas Margins sa ikapitong pagkakataon upang higit na mailapit sa publiko ang mga produktong gawa ng mga magsasaka, mangingisda, bilanggo at iba pang grupo mula sa maralitang sektor ng bansa.

Sa pamamagitan nito malaki ang posibilidad na lalago ang small-medium enterprise ng mga Filipino sa pagtangkilik ng mga mamimili ng kani-kanilang produkto.

Sa nakalipas na 2 buy and give trade fair umabot sa halos apat na milyong piso ang kinita ng mga partner exhibitors.

Kasalukuyang ginanap ang huling bahagi ng trade fair sa Glorietta activity center sa lungsod ng Makati mula ikaanim hanggang ikapito ng Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 19,611 total reads

 19,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 56,508 total reads

 56,508 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 282,778 total reads

 282,778 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,245 total reads

 176,245 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,228 total reads

 269,228 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top