212 total views
Tututukan ng Simbahang Katolika partikular ng Diyosesis ng Kidapawan ang paglingap sa mga apektadong mamamayan na nanatili sa kanilang mga lugar sa kabila ng pagkasira ng mga tahanan.
Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ito ang kanilang nakita sa pagbisita sa mga biktima ng magkasunod na lindol sa Mindanao.
“There are also pockets of evacuues that the Diocese (Kidapawan) will focus their efforts to those who are not in the main identified centers,” pahayag ni Archbishop Valles.
Personal na inalam ni Archbishop Valles ang kalagayan ng biktima sa mga main evacuation centers at ang mga pamilyang nanatili sa kanilang mga nasirang tahanan.
Sinabi ni Archbishop Valles na mas natutukan ng gobyerno ang mga lumikas sa main evacuation centers kaya’t tututukan ng simbahan ang maituturing na ‘pockets of evacuees’ sapagkat kailangan nito ang tent, pagkain, tubig at iba pa.
“Bishop Bagaforo will program their help to the affected families by identifying and locating these pockets of evacuues,” ani ni Archbishop Valles.
Magpupulong din sa ikaanim ng Nobyembre ang mga obispo ng Suffragan Dioceses ng Davao sa pangunguna ni Arcbishop Valles upang talakayin ang mga hakbang na matulungan ang mga diyosesis ng Kidapawan, Marbel at Digos.
Ikinatuwa naman ng arsobispo ang pagtutulungan ng lahat ng sektor kabilang na ang simbahan at gobyerno sa paglingap sa 30-libong pamilyang biktima ng mga pagyanig sa Mindanao region.