Kabataan, bibida sa Vocation festival

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total reads

Pangungunahan ng Diocese of Malolos ang pagdaraos ng ika-anim na taon ng Regional Vocation Festival ng Ecclesiastical Province of Manila.

Ito ang taunang pagsasama-sama ng siyam na diyosesis sa ilalim ng Ecclesiastical Province of Manila na naglalayong bigyang pansin ang pagpapayabong sa bokasyon ng mga kabataan.

“Makakatulong yung araw na yon para makapag discern sila may mga makakausap silang mga madre, pari, para matanong nila yung mga gusto nilang itanong. Kasi kapag nakikita ng mga kabataan natin yung mga seminarians, mga madre, mga pari na i-inspire sila.” Pahayag sa Radyo Veritas ni Fr. Alvin Pila – Vocation Promoter ng Diocese of Malolos.

Tema sa pagtitipon ngayon taon ang “Buhay Kabanalan, Bokasyon ng Bawat Kabataan.”

Mas pinasaya ang pagdiriwang ayon kay Father Pila dahil sa gagawing pagtatanghal ng mga Diyosesis tampok ang sikat na kapistahan sa kanilang lugar.

Bukod dito, magkakaroon din ng mga panayam at pagbabahaginan na makatutulong ng malaki sa bokasyong nais tahakin ng mga kabataan.

Mayroong mga pari at madre na handang makipag-usap sa bawat kabataan na nangangailangan ng kanilang paggabay.

Gaganapin ang Vocation Festival sa ika-9 ng Nobyembre araw ng Sabado sa Victory Coliseum, San Rafael Municipal Complex, San Rafael, Bulacan.

Ang mga nagnanais dumalo ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Diocesan Vocation Director para sa pre-registration. Sa kasalukuyan mahigit na sa 1,500 mga youth delegates ang una nang nagpatala. Ang siyam na diyosesis sa ilalim ng Ecclesiastical Province of Manila ay binubuo ng Dioceses of Antipolo, Pasig, Cubao, Novaliches, Parañaque, Caloocan, Imus, Malolos, at San Pablo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 10,861 total reads

 10,861 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 97,493 total reads

 97,493 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 134,867 total reads

 134,867 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 166,127 total reads

 166,127 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 238,431 total reads

 238,431 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,031 total reads

 377,031 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top