Outbreak ng sakit sa evacuation centers, pinangangambahan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Nangangamba si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa posibleng pagkakasakit ng mga evacuees.

Ito ang inihayag ng Obispo sa kaniyang pagbisita sa mga pangunahing evacuation centers sa Makilala, Bulacanon at Malasila.

Ayon sa Obispo, hindi bababa sa 500 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers matapos masira ng lindol ang kanilang mga tahanan.

“Napakarami lamang sa mga evacuation centers. Sa katunayan hindi bumababa yung mga government sponsored na recognized evacuation centers ng mga 500 families. Pangalawa, Magiging problema ang sanitation kasi kulang ang mga palikuran natin. At ang ikatlo, dapat meron ding identified na mga coocking areas ang mga evacuees,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Bagama’t nagpapalasamat ang Obispo sa mabilis na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga biktima ay problema din sa mga evacuation centers ang kalinisan, lalu’t kulang ang mga palikuran.

Iminungkahi naman ng Obispo ang pagkakaroon ng hiwalay na lugar para sa pagluluto para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng sunog.

“Dahil flammable ang kanilang mga tent at trapal,” dagdag pa ng obispo.

REHABILITASYON NG MGA NASIRANG BAHAY

Patuloy pa rin ang panawagan ng dasal at tulong ng Obispo para sa mga nagsilikas na residente kabilang na dito ang pagkain at tubig.

Dagdag pa nito ang pangangailan ng solar powered flashlights lalu’t walang kuryente sa bawat tent o kubo na kanilang pansamantalang tinutuluyan.

Umaapela na rin ang Obispo ng tulong sa publiko para makalikom ng pondo para sa isasagawang rehabilitasyon ng mga nasirang bahay.

“Kung maari ay sa pamamagitan ng mga diyosesis natin ay makapagpadala tayo ng pang-long term… kailangan natin ng pondo para matulungan natin sila na marelocate,” ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Sa tala, may higit sa 30 libong pamilyang pamilya ang naapektuhan ng malakas na pagyanig sa Region XI at Region XII.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 12,204 total reads

 12,204 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 98,680 total reads

 98,680 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,053 total reads

 136,053 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 167,313 total reads

 167,313 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 239,560 total reads

 239,560 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top